Paaakkk 13

37.3K 1.5K 272
                                    


Ang hirap magpatawa lalo na kung hindi ka naman talaga masaya. Ang hirap magsulat ng kilig moments kung broken ka. Ang hirap talaga mga besssh! Lagi nalang akong nari-riject at nasasaktan! Wala na talagang magmamahal sa akin! Ayoko na!
👊😕😢😢😟😥😞😭😭😭💔👊

Let's move on! Rwwwwr!

By the way! Happy 10k+ reads! Salamat sa patuloy na pagsuporta mga bessh! And wait! There's more! My Four Homophobic Stepbrothers has been ranked #23 in HUMOR Category! Wow! Congrtasss!

And because of that, Enjoy Reading! :)

----


• FITA'S POV •




Ayun na nga mga besh!
Nagkaroon kami ng cooking show, kasama ko sina Ate Lily, Mimi at Deedee.
Ang niluto kong putahe ay adobong manok! Syempre I made some twists with my dish! Ahahah! Nilagyan ko ng cream para may touch ng sweetness!
Medyo maalat kase eh.
Paano ba naman kasi, si Ate Mimi nilagay ang isang bote ng Datu Puti soy sauce! Nakakaloka! Wala talaga silang alam sa pagluluto. Mygad!



"Sir! Lagyan mo na po ng gayuma." Sabe ni Ate Deedee.


"Wait lang Ate. Nagmamadale? Ahaha!" sagot ko.


Mabilis kong kinuha yung maliit na bote na nasa bulsa ko. Naglalaman ito ng dinikdik na ugat mula sa puno ng balete, dinurug na sea urchin, isang pirasong petal mula sa pulang rosas, dinurug na puting kabute at virgin coconut oil. Sinamahan pa ito ng orasyon at enchantment kemerlu. Ahahaha!


Nabili ko ang gayumang ito sa matandang lola na katabi kong nagtitinda sa Isla Mako. Ako nagtitinda ng souvenir, sya naman nagtitinda ng kung anu-anong gamot. Ganun.


Kaya nung nagka-crush ako isa sa mga mangingisda sa Isla namin, naisipan kong bumili ng gayuma mga bessh para magustuhan nya din ako. Nakakaloka naman kasi ang gwapong mangingisdang iyon! Bukod sa sobrang gwapo nyang mukha eh may pa-abs pa sya mga bessh!


Pero hindi ko nagamit sa kanya ang gayumang ito. Dahil na-turn off na ako sa kanya. Lalaki din pala ang hanap nya mga bessh! Nakakaloka!!!! Hindi ko kinaya!


Mabuti naitabi ko pa itong gayumang to, ngayon malalaman ko na kung effective ba ito o hindi. Ahahaha!



"Iyan na ba yun?" Tanong ni Ate Lily.

"Oo, ito na nga yun ate. Kailangan lang natin ng apat na patak. Para mapaamo natin ang apat na halimaw na yun." Kuda ko.


"Go! Sir! I-push mo na yan!" Na-eexcite na sabi ni Ate Mimi.



Kaya dahan dahan kong nilagyan ng apat na patak ang adobong niluto ko.



Isa...


Dalawa...


Tatlo....


Apat...


Paaakkk!



Akala ko may sasabog, wala pala mga beshhh. Ahahaha.



"Ayan! Ngayon tignan natin kung anong magiging epekto sa kanila." Sabe ko.


"I'm so excited Sir!" Kuda naman ni Ate Deedee.


Syempre nagbukod na ako ng adobong manok na kakainin ko sa dinner. Hindi pwedeng kainin ko ang adobong nilagyan ko ng gayuma, baka ma-inlove pa ako sa apat na halimaw na yun!
It's a no! No! No! No!
It shouldn't beeee!



My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now