Paaakkk 08

40.6K 1.5K 187
                                    

• FITA'S POV •



Totoo ba ito?
Nag-sorry ang halimaw na Ace na'to sa akin?
Totoo ba?



Kinurot ko yung braso ko, baka kasi nagha-hallucinate lang ako.
Baka imagination ko lang ito.
Pero ang saket mga bessh!
Nasaktan ako sa kurot ko, so meaning? It is real? Yeah it is real!



"Mabuti naman, marunong at alam mo naman pala ang salitang sorry!" Kuda ko sabay bawi ng braso ko na hawak hawak nya.



"Of course I know. Hindi naman ako ma-pride at ganun kasamang tao para hindi mag-sorry sa maling nagawa ko." Sertosong sabe nya.



Huwow???
So hindi pa pala sya masamang tao sa lagay nya na yan?
Pagkatapos ng lahat??!
Nakurr! Don't me!



"Mabuti alam mong mali ang ginawa mo! Kaloka! Wala naman kasi akong ginagawa sa inyong masama, bakit ba ang init init ng dugo nyo sa akin." Say ko ulit.



"We have our reason why we hate you. You're gay, and we hate gays." Sabee nya.




"Eh bakit nga? Bakit ba galit kayo sa mga baklang gaya ko?!" Tanong ko.




Ilang segundo din ang lumipas pero wala akong sagot na narinig mula sa kaniya! Ay Kaloka!
Ano to? Na pipi na sya? Rwr!




"Woy? Ano na? Nga nga ka na diyan?" Kuda ko sabay tapik sa braso nya.



"I can't answer your question. But I'm telling you, galit kami sa bakla, sa lahat ng baklang gaya mo." Seryoso nyang sabi habang titig na titig sya sa beautiful eyes ko.




Ganoooon?
Iyon na yun?
Yun na yung sagot nya?
Anubeyen!
Hindi ako na satisfied!
Feeling ko may malalim na rason kung bakit galit na galit sila sa mga sirenang gaya ko.
Nakurrrrrr!
Baka tingin nila sa lahat ng bakla mga madudumi, pakawala, nakakadiri ganun! Nakurr!
Hindi lahat ganun noh!
Malinis ako! Malinis!
Pinalaki ako ng maayos nila Pudra at Mudra! Good girl ako no.






"Alam mo, huwag sana kayong magalit sa lahat ng bakla. Yes, we are gays but we're different individuals . We have our different characteristics and attitude! Oo mga bakla kami at sekswalidad lamang ang pagkakatulad namin dahil may iba't ibang pananaw kami sa buhay at pag-uugali. Kaya huwag nyo sanang gine-generalize ang lahat ng bakla dahil magkakaiba kami! Yes, we have the same gender but we are totally different and unique." Pang miss-universe kong kuda sa kaniya! Ahaha!




"Yes. I know that. You made me realized that you're far different from those gays. Mukhang hindi lahat ng bakla kagaya nila." Sabe nya in serious mode again.



Napakunot ang forehead ko.
Those gays? Nila?
Sino ba yung tinutukoy nya na yun?


"Sinong nila?" Tanong ko.



"Nothing. Forget it." Sagot nya.



Nakurr! Ayaw nya talagang sabihin! Lalo tuloy akong naguguluhan. Rwr.



"Sige na Kuya. Maliligo na po ako! Ang baho baho ko na eh. Na-ngamoy lupa kasi ako kakahanap sa kwintas kong tinapon mo." Sarkastiko kong sabe sa kanya sabay talikod. Ihahakbang ko na sana ang paa ko ng muli syamg magsalita.




"Wait." Pagpigil nya sa akin.


"Ano yun?" Tanong ko.



"Sana isikreto mo nalang yung nakita mong ginawa ko kanina sa kwarto. The up and down thing." Pakiusap nya sabay ngisi.




My Four Homophobic StepbrothersOn viuen les histories. Descobreix ara