Paaakkk 71

25.4K 959 235
                                    


-----

• FITA'S POV •

Nakahiga ako sa kwarto ko.
Nagmumuni-muni. Hindi ko maintindihan ang sarili ko.
Gulong gulo ako. Bakit parang ang bigat bigat ng feeling ko ngayon.
Siguro dahil sa sunod sunod na mga nangyari.

Una, binalikan ni Kuya Ace si Xylene dahil simula palang ito na talaga ang mahal nya. Kahit na nagtapat sa akin si Kuya na gusto nya ako, hindi maitataging si Xylene pa rin ang laman ng puso nya.

Pangalawa, ipinaubaya ko si Kuya Air sa bff kong si Anna dahil alam kong bagay sila. Kahit na may feelings ako para kay Kuya, alam ko kung gaano sya kagusto ni Anna, nag-effort pa itong sumali sa musical play para lang mapalapit sa kanya at hindi naman nabigo si Anna. Ngayon, sila na nga ni Kuya Air. Bagay na bagay sila.

Pangatlo, bumalik ang dating mahal ni Ethan na si Ate Stella. Dahil sa pag-aakala ko na hindi na babalik ang dating mahal ni Ethan binigyan ko sya ng chance, kahit na alam kong si Ate Stella pa rin ang mahal nya at gusto nya lamang ako. Binigyan ko sya ng pagkakataon. Pero ako rin naman ang nasaktan sa huli dahil sa pagbalik ni Ate Stella at sa pagtatapat nito na kaya nya lang sinaktan si Ethan dahil para ito sa ikabubuti nilang dalawa.

At pang-apat, ang nakakabiglang balita na may girlfriend na palang amerikana si Kuya Ash. Noong una talagang nabigla ako. Pero kinalaunan napagtanto ko na hindi ko pala masisisi si Kuya Ash kung magkakagusto sya sa iba dahil malayo kami sa isa't isa. Distance can push someone to forget everything.

Kaya kung tinatanong nyo kung nasaktan ba ako sa lahat ng nangyari, ang sagot ko ay isang malaking "OO!"

Oo! Nasaktan ako.
Oo! Sobrang sakit ng ginawa nila.
Oo! Ang tanga ko dahil umasa ako.
Masakit ang lahat ng nangyari, pero alam kong ito ang tama.
Tama na napunta sa iba ang atensyon nila Kuya at Ethan sa mga taong karapat dapat lamang sa kanila.
Tama lang na nagmahal sila ng isang tunay na babae kesa sa isang gaya ko. Alam kong mahirap mahalin ang isang tulad ko dahil nga pusong babae lang ako at ang dami kong bagay na hindi maibibigay sa isang gaya nilang mga lalaki.

Nasaktan ako! Oo!
Dahil pinaramdaman nila sa akin na special ako. Pinaramdam nila sa akin na gusto nila ako. Sila ang unang mga taong nagparamdam sa akin na espesyal ako. Ito ang unang pagkakataon sa buhay ko na may mga lalaking nagtapat ng kanilang nararamdaman para sa akin.
Kaya sobrang sakit! Ang sakit sakit. Dahil nasanay ako na iba ang tingin nila sa akin, sinanay nila ako na special ang trato nila sa akin at ngayon nga bigla nalang nawala ang lahat. Dahil may kanya kanya na silang taong minamahal. At ang masakit na katotohan ay hindi ako ang taong iyon.

Nasaktan ako dahil kahit papaano may something na akong naramdaman sa kanila. Hindi ko itatanggi na nagustuhan ko sila.
Dahil sino ba naman ang hindi magkakagusto sa mga taong ipaparamdam sayo na special ka.
Itinago ko yung little feelings ko para sa kanila dahil naguguluhan ako.
Dahil pantay pantay ang tingin ko sa kanila. At natatakot ako na ipahalata sa kanila na gusto ko din sila dahil alam kong malakas kumutob si mudra, kaya ginawa ko ang lahat maitago lang ang lahat ng iyon. Nung una naguguluhan ako kung ano ba yung nararamdam ko para sa kanila pero ngayon nga, na-realize ko na kaya pala ako naluluha, na kaya pala mabigat yung pakiramdam ko eh dahil may feelings na rin ako sa kanila noon pa.

Masakit man ang lahat ng nangyari, kailangan ko pa ring ngumiti. Kailangan ko paring maging si Fita! Yung luka-lukang si Fita na sobrang baliw! Yung Fita na sobrang babaw lang ng kaligayahan at yung Fita na kahit nasasaktan na ngumingiti pa rin at sinasabing "OKAY LANG AKO"

Hindi ako nagagalit sa kanila dahil sa ginawa nilang ito sa akin. Hindi ko magawang magalit dahil alam kong tama naman itong mga nangyayari.
At kahit na sinaktan nila ako, pinaasa at iniwan. Hinding hindi ko kayang magtanim ng kahit anumang galit sa kanila dahil hindi ko iyon kaya.



My Four Homophobic StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon