Paaakkk 38

37.4K 1.5K 287
                                    

Hinabaan ko na po. Para worth it ang paghihintay nyo. ;)

Enjoy Reading! ^_^

-----

FITA'S POV



Juskoooo!
Yung eyebag ko sumayad na ata hanggang sa sahig!
Wala akong tulog!
Buong magdamag akong gising!
Hindi na ako nakatulog pagkatapos ng lahat ng nangyari. Kaya ang ending? Sabog ako ngayon! Rwwwr.



"Mr. Flores? What is the theme of the story?"




Pagkagising ko kanina, si Ethan agad ang pinuntahan ko, pero hindi ko na sya naabutan sa guest room. Maaga daw umalis sabi ni Manang Yolly. Pero mga bessh! Hindi ko alam, pero nakaramdam ako ng pagka-ilang kay Kuya Ace kanina. Siguro dahil sa pagtatapat nya ng feeling nya sa akin! Kaloka! Totoo bang nangyari yun? Mygad! Sana panaginip nalang.
Pero hindi eh! Kinukulit nya ako kanina na sa kotse nya daw ako sumabay papunta sa school, pero syempre hindi ako pumayag. Naiilang talaga ang lola nyo.


"Mr. Flores? What is the theme of the story?!!"



At eto pa mga bessh!
Mukhang back to being monsters na naman ata talaga ang tatlong halimaw na yun sa akin.
Hindi nila ako pinapansin kanina. I tried to approach them, pero ayaw talaga nila akong pansinin. Grrrrr.




"Mr. Flores! What is the theme of the story!" Malakas na sigaw ng isang boses! Megeed! Halos mabasag ang eardrums ko!



Napatingala ako, at pagtingin ko! Ang prof namin! Nanlilisik na yung mata habang nakatingin sa akin! Juskooo!



"Si-sir? A-ano po yun?" Tanong ko.


"I will ask you this in fourth times! What is the theme of the story!" Galit nyang tanong! Kaloka! "It seems that your mind is flying somewhere Mr. Flores!" Dagdag pa ni Sir.

Kaloka!
Sya pala yung kanina ko pa nariring na parang bubuyog na bulong ng bulong!
Anubeee! Epekto to ng mga nangyari kagabi! Hindi tuloy ako makapag-focus sa klase!


"A-ahm. Team? I-I I think Team A po Sir!" Sagot ko.

Malay ko ba kung anong team ang sinasabi nya.
Tapos bigla ko nalang narinig na nagtawanan ang mga bruha kong classmates! Problema nila? Bubuhusan ko pa sila ng kumukulong mantila eh. Grrr.


"What? Team A?! I'm not asking for a team! I am asking you the theme of the story!" Halos mamula na sa sobrang galit si Sir! Mygasssh! Theme ba? Akala ko Team! Anubeee Fita!!!


Lalong lumakas ang tawanan ng mga letchugas kong mga kaklase! Myyyygad! Mali ang sagot ko! Juskooo!


"So-sorry po Sir!" Kuda ko sabay tayo.


"Get out of my class! Now!" Galit na sigaw ni Sir. "Get out!" Ulit nya pa!


"O-opo." Mabilis akong naglakad palabas ng clasroom dahil baka lalo pa akong ma-award kay Sir!

Naku naman!
Nagalit na si Sir sa akin! Anong gagawin ko? Baka i-drop nya na ako sa subject nya!
No! No! No!
Patay ako kay mudra kapag nalaman nya yun! Dapat makausap ko si Sir mamaya.
Oo tama! I will talk to him later!
Ganun!






Naglakad-lakad ako.
Nilibot ko ang buong Zarvard University! Wala akong magawa! Kaya mamamasyal nalang ako dito sa school.


Lakad dito...


Lakad doon...





"Hoy! Ikaw!" Rinig kong sigaw ng isang boses sa likod ko. Kaya nilingon ko ito. Paglingon ko...



My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now