Paaakkk 41

35.7K 1.4K 191
                                    


• FITA'S POV •






"Uhm. Nay, Tito Ark. Alis na po ako." Paalam ko sa kanila.


"Are you not going to eat?" Tanong ni Fafa Ark.


"Busog po ako Tito. Tsaka nagmamadali po ako ngayon. Ayuko pong ma-late." Sagot ko.


"Sumabay kana sa mga Kuya mo." Kuda ni mudrabells!


"Sabay kana sa akin." Pagsingit ni Kuya Ace.


"I'm done. Sa akin ka nalang sumabay." Eksena naman ni Kuya Air sabay tayo sa upuan nya.


"Hi-hindi na po Nay. May kasabay na po ako. Nasa labas na po si Ethan. Kanina nya pa ako hinihintay." Sagot ko. "Sige po. Alis na ako Nay!" Sabi ko sabay halik sa pisngi ni mudra. "Bye Tito Ark!" Paalam ko naman kay Fafa Ark sabay kiss sa pisngi nya!

Awww!
Ang cherep mga beshh!
Ahahahaha.



Kailangan ko itong gawin.
Ang iwasan ang apat na halimaw na yun, ang hindi sila pansinin. Kailangan ko itong gawin dahil ito ang mas makakabuti sa aming lahat. Ayuko na ng gulo. Gusto ko ng tahimik na buhay. Wala na akong pake sa kanila.
Bahala na kami sa mga buhay namin! Ganern.





Paglabas ko sa gate, nakita ko agad ang kotse ni Ethan, kaya agad akong rumampa palapit doon. Dahan dahan nyang binaba ang bintana ng kotse nya at nginitian nya ako sabay kaway sa akin!
Mygad!
Ang gwapoooo.


"Good Morning." Greetings nya sa akin at pinagbuksan nya ako ng pinto, kaya pumasok na ako, agad agad!


"Good Morning din." Sagot ko naman at pinaandar nya na ang sasakyan.



"Anong balita?" Tanong nya.


"Ha? Saan naman?" Tanong ko din.

"Sa inyo ng mga Kuya mo? What happened? Galit pa rin ba sila sayo? Pinapanuod mo na ba sa kanila ang lahat ng nangyari?" Sunod sunod nyang tanong! Kaloka! Pwede bang huminga muna? Ahahar.


Tango lang ang naging sagot ko sa kaniya. Wala eh. Hindi ko alam ang uunahin. Kaloka talaga itong si Ethan.


"So it means, ayos na ulit kayo ng mga Kuya mo?" Tanong nya ulit.


"Hindi." Sagot ko.


"Ha? But why? Akala ko ba napanuod na nila lahat sa cctv?"



"Simula ngayon, hindi ko na sila papansinin. Para wala ng gulo."


"What? Hindi kita ma-gets?" Gulong gulong tanong nya.


"Okay! Listen carefully! Sa ating dalawa lang to ha. Friendship kita Ethan kaya sasabihin ko to sayo and I trust you." Kuda ko in serious mode.


"Okay. I promise, kung ano man ang sasabihin mo sa akin, I'll keep that as secret." Sagot nya.

Kaya ayun na nga ang nangyari mga bessh. Kinuwento ko lahat lahat ng nangyari kay Ethan, pati na rin ang feelings nina Kuya Ace, Air at Ash sa akin! At syempre na-ikwento ko na din sa kanya ang dahilan kung bakit nagagalit at namumuhi ang apat na halimaw na yun sa may pusong babaeng tulad ko.





"I can't believe it. Medyo sumakit ang ulo ko sa mga sinabi mong yan. Nakakagulat." Kuda ni Ethan after nung story telling ko sa kanya.


"Oo nga eh. Ang sakit talaga sa bangs! Kaya mas mabuting iwasan ko nalang sila para wala ng gulo." Sagot ko naman.



"But I can't deny, it is possible that a straight guy could fall in love with someone like you dahil hindi ka naman mahirap magustuhan." Biglang sabee nya!!!

My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now