Paaakkk 69

22.9K 999 150
                                    

Malapit na pong mag-wakas ang story na ito, kaya kapit lang mga besshhhy! Malapit na ang ending! Huhuhu.

-----


• FITA'S POV •



Pinunasan ko ang luha ko nang marinig kong magsalita si Kuya Axe! Sa wakas nagkamalay na rin sya!
Nasa isang bench kaming ngayon, nakaupo ako habang nakahiga naman si Kuya Axe. Nakapatong ang ulo nya sa mga hita ko.

"Fi-fita." Sabi nya habang nakatingin sa mukha ko.

"Ku-kuya. Mabuti naman gising kana." Saad ko. "I'm sorry Kuya. Sorry sa nagawa. Sorry kung nasaktan kita. Hindi ko na kasi alam ang gagawin ko para patigilin ka. I'm sorry. Sorry talaga." At muling umagos ang luha sa aking mga mata. Huhu. Nubeee. Ang drama ko talaga.

"So you're the reason why I passed out." Aniya. Tumango lang ako habang pinupunasan ko ang luha ko.

Dahan dahan syang bumangon mula sa pagkakahinga. Tumingin sya sa malayo habang seryoso ang kaniyang expression! Bigla akong nakaramdam ng kaba, dahil bigla nalang syang tumahimik. Kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko, mabilis ko syang niyakap. Niyakap ko sya dahil natatakot ako sa susunod nyang gagawin.

"Kuya. Sorry. Sorry talaga. I'm sorry." Paulit ulit kong sabi habang yakap yakap ko sya.

Ilang saglit pa, naramdaman ko nalang ang mga kamay nya na biglang hinawakan ang magkabila kong pisngi. Tumitig sya sa mga mata ko, Kaya napatitig na din ako sa mga mata nya. Naloka ako dahil hindi ko parin mabasa kung ano ang nasa isip nya. Kaya kabang kaba na talaga ako mga besshhhy! Mygaaad!

"Are you okay?" Tanong ko.

"Ha? A-ako?" Gulat kong sagot. Dahil hindi ko in-expect na iyun ang sasabihin nya!

"Yes. I'm asking you, are you okay?" Pagkaklaro nya.

"O-opo. Okay lang ako." Sagot ko. "Eh ikaw? Okay ka lang ba? Masakit pa ba yung likod mo? Sorry talaga." Dagdag ko pa.

"I'm okay. Its okay. I understand kung bakit mo iyon ginawa sa akin. I lost my controll, I'm sure nabugbog ko ng husto si Ethan." Saad nya at binitiwan nya na ang pagkakahawak nya sa magkabila kong pisngi.

Tumingin sya muli sa kawalan habang seryoso ang kaniyang mukha.

"So yung babaeng kasama ni Ethan kanina, sya yung girlfriend nya?" Tanong nya.

"Opo Kuya." Sagot ko.

"I can't believe na may itinatago palang girlfriend yang si Ethan. And that woman looks familiar, as far as I remember, professor sya sa Zarvard. So hindi ko masisisi si Ethan why he hid his girlfriend from everyone dahil bawal yung relasyon nila, idagdag pa yung pagtutol ni Mr. Salvador." Aniya.

"Kaya nga naghiwalay sila dahil sa dami ng problema nila. Sinaktan ni Ate Stella si Ethan, pinalabas nito na may iba na sya para saktan si Ethan. Kaya itong si Ethan broken na broken." Aniki naman.

"Now I understand." Sabi nya sabay titig sa mga mata ko. "Ginawa ka lang panakip butas ni Ethan, for him to easily forget his pain." Sabe nya pa!

Awwwww!
That word!
PANAKIP BUTAS!
Totoo bang ginawa lang akong panakip butas ni Ethan?!
Kung iisipin, feeling ko ganun na nga yun! Umamin sya sa akin na gusto nya daw ako nung mga panahong broken na broken sya.
Gusto nyang makalimot kaya sa akin nya itinuon ang atensyon nya. Kaya ngayon, bumalik na si Ate Stella, ganon na lang sa kanya kadaling sabihin na mahal nya pa rin ito. Na gusto nya lang ako at imposible nya akong mahalin dahil si Ate Stella pa rin ang nag-iisa para sa kanya.

My Four Homophobic StepbrothersHikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin