Paaakkk 53

27.2K 1.2K 262
                                    


--------









• FITA'S POV •





Hindi ko alam pero naapektuhan talaga ang beauty ko sa mga sinabi ng bruhang Xylene na yun. Bigla tuloy akong nagduda kay Kuya Ace at sa tatlo pang halimaw. Hindi ko alam kung totoo ba talagang gusto nila ako. Huhuhuhu.



Tapos na kaming mag-dinner, ang apat na halimaw ay nasa sala kasama ang Xylene na yun at nanunuod sila ng movie. Si Ethan naman abala sa pagtulong kay Aling Greta sa pagliligpit sa kusina.
Samantalang ako?
Mag-isang nakatayo dito sa may terrace sa may labas ng mansyon.




"Where's Fita?" Tanong ni Kuya Ace kila Kuya.

"Nasa labas yata." Sagot ni Kuya Ash.


Napatingin si Kuya Ace sa kinaroroonan ko. Nagkatinginan kami at nginitian nya ako. Naglakad sya papuntan sa akin.


"Bakit nag-iisa ka dyan?" Tanong nya.

"Ah. Wa-wala naman. Nagpapahangin lang ako." Sagot ko.

"Tara sa sala, maganda yung movie na pinapanuod namin." Alok nya.

"Sige, kayo nalang. Hindi ako mahilig sa action movie eh." Sagot ko.

Action movie kasi pinapanuod nila. Yung bida si Tom Cruise! Tapos puro barilan pa yung ginagawa. Mygaad!
Yuko nun. Gusto ko mga Disney movie ganun! Ahahaha.


"Eh ano bang movie ang gusto mo? Baka meron akong kopya sa flashdrive ko." Sabi nya.


"Mga Disney movie ganon. I'm sure naman na wala ka nun. Kaya huwag na lang." Kuda ko.

Napangiti sya sa sinabi ko.


"Bakit ngumingiti ka dyan?" Tanong ko.


"Disney talaga? Para ka parin palang bata. Hehe." Sabe nya!

Grabe sya!
Porket mahilig sa Disney pang bata na agad? Hindi ba pwedeng pakiramdam ko lang isa ako sa mga Disney princess! Ganun! Kaloka!


"Sige na. Bumalik ka na dun. May na-skip ka tuloy na scene dun sa movie na pinapanuod nyo." Aniko.

"Uy. Joke lang naman yung sinabi ko. Nagalit kaba?" Biglang tanong nya.

"Hindi. Sige na. Gusto ko lang talagang mapag-isa." Sagot ko.

"Bakit? May problema ba?" Seryosong tanong nya.

"Wa-wala naman." Sagot ko.

"You will not act like that kung wala kang problema. Ano ba kasi yun?" Pangungulit nya.


"Wala nga. Sige na Kuya. Bumalik ka na dun." Sagot ko.

"Hindi ako aalis dito hanggat hindi mo sinasabi sa akin ang problema mo." Matigas nyang sabeee!

"Wala nga. Kulit."

"Meron. Sabihin mo na."

"Wala."

"Meron. Ano nga kasi yun?"

"Wala." Sagot ko ulit.

Hinawakan nya yung magkabila kong balikat. Tapos tumitig sya sa mga mata ko! Megeed!

"Sabihin mo na. Ayukong nakikita kang ganiyan." Seryosong sabi nya.

Gooossshh!
Hindi pwede!
Hindi ko pwedeng sabihin na kaya ako nagkakaganito dahil sa impaktang Xylene na yun.

My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now