Paaakkk 36

34.7K 1.4K 157
                                    


-----







• AUTHOR'S NARRATION •



Pagdating sa mansyon, nagpatulong si Fita sa driver ng taxi para maipasok sa loob ng bahay si Ethan. Agad namang natanaw ni Manang Yolly si Fita kaya nagkumahog syang lapitan ito.


"Ser? Saan po kayo galing? Kanina pa po kayo hinahanap nila Ser Ark at Mam Helena. " pagbungad nito kay Fita.

"Mamaya ko na po ichi-chika sa inyo Manang! Kailangan na naming maipasok ni Manong si Ethan sa loob. Lasing sya at super bigat nya pa." Sagot ni Fita dito.

"Sa loob? Bakit Ser? Dito nyo sa papatuluyin?" Tanong ulit ni Manang Yolly.

"Opo Manang! Warla sila ng pudra nya kaya dito muna sya!" Sagot nito at mabilis nyang inalalayan si Ethan papasok sa loob. At dahil sa tulong ng taxi driver, mabilis na naihigi ni Fita si Ethan sa sofa.


"Oh, eto po ang bayad Manong! Salamat po talaga sa tulong!" Saad ni Fita sa taxi driver sabay abot ng bayad.

"Naku Mam. Sobra po ito." Ani ng driver.

"Keep the change nalang po! Salamat!" Sagot nya.


"Naku! Salamat po Mam." Sabi ng driver at agad ding itong naglakad palabas ng mansyon.


"Ser! Mukhang lasing na lasing si Ethan." Puna ni Manang Yolly.


"Halata nga po Manang." Tugon nito. "Oo nga pala manang? Nasaan po sina Nanay at Tito Ark?" Tanong pa nito.

"Naku Ser! Kanina ka pa nila hinihintay, nasa hapag na sila at ikaw nalang ang kulang. Hindi pa sila nag-uumpisang kumain dahil hinihintay ka nila." Sagot nito.


"Ganon? Sige po papunta na ako. Ahm. Manang ikuha nyo naman po ako ng maligamgam na tubig tsaka bimpo. Pupunasan ko lang si Ethan."

"Sige po Ser."






Inayos muna ni Fita ang pagkakahiga ni Ethan sa sofa, bago sya nagtungo sa dinning area. At pagdating nya sa hapag, tumambad sa kaniya ang mga taong kaniyang inasahang makita.


"Nak! Saan ka ba galing! Bakit ngayon ka lang!" Ani Helena sa anak.


"Ahm. A-ano po. Ka-kasi Nay, kasama ko po si Ethan. Kaya po ginabi po ako ng uwi." Sagot nito.


"Ethan? Bakit saan ba kayo nagpunta?" Tanong naman ni Ark.


"Si-si-sinamahan ko po syang uminom." Sagot nito.


"Uminom?! Uminom kayong dalawa?! Uminom ka?!" Bulalas ni Helena.


"Hindi po Nay. Alam nyo namam pong hindi ako umiinom. Sinamahan ko lang po si Ethan, may problema po kasi yung tao. At bilang friendship nya, sinamahan ko sya. Sorry po Nay. Hindi ko po kayo nasabihan." Tugon nya sa ina.


"So ganun pala ang nangyari, sakto pala I bought you a new phone. Sa susunod na may pupuntahan ka or aalis ka magtext or tumawag ka Fita, para hindi na kami nag-aalala sayo." Saad naman ni Ark.


"O-opo Tito. Sorry po kung nag-alala kayo sa akin. Hindi na po mauulit." Nakayukong sabi ni Fita.


"Maupo kana, kumain na tayo." Ani Helena.


"Busog pa po ako Nay." Aniya. "May isang bagay pa po palang akong gustong sabihin sa inyo." Pagpapatuloy nya.


"Ano yun?" Tanong ni Ark.


My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now