Paaakkk 18

37.3K 1.4K 198
                                    

Sorry for this late update guys. I'm not feeling well kasi this past few days. Parang dinudurug yung ulo ko. Ang saket. :( 😖
But I'm quite feeling well na. :)

Enjoy Reading! Kayo na pong bahalang umintindi sa update kong ito. Medyo sabog lang talaga ang isip ko ngayon eh.

-----





FITA'S POV







Mygaaaaaaaaaaad!!!!



Ang sama ng panaginip ko mga besshhh!!!!
Si mudra daw na-deads na!!!!
Jusko! It shouldn't beeee!!!

Halos nag- shower na ako sa sarili kong pawis dahil sa tindi ng nightmare ko!


Iniwan na daw ako ni mudra at gumora na daw sya sa heaven!!!
Iyak ako ng iyak! Mga isang baldeng luha yung naiyak ko sa panaginip ko!


Ano kayang ibig sabihin ng panaginip kong yun???
Senyales na kaya yun na made-deads na talaga si mudra dahil sa sumpa ng babeng mangkukulam na sinaktan noon ni Fafa Ark???


Mygaaad!
Huwag naman po sana!!!


Hindi ko kakayanin kapag nawala sa akin si mudra!
Sya nalang ang natitirang mayroon ako!
Kaya gagawin ko ang lahat!
Huwag lang syang mawala sa akin!


Oo! Tama!!!!

I need to buy some agimat or anting-anting pangontra sa sumpa!


Pero saan naman kaya ako bibili nun???

Meron ba nun dito sa maynila???


Oo! Tamaaaaa!!!!
Tatanungin ko nalang si Manang Yolly kung may alam syang store na pwedeng mabilhan ng ganun!


Mabilis akong rumampa papunta sa kusina dahil paniguradong nandun si Manang Yolly.
Magaling na kasi sya and I'm sure, nagluluto na sya ng breakfast namin.

Kagabi pa bumuti ang kondisyon ni Manang Yolly. Sya nga ang nagluto ng dinner namin kagabi. Sya na rin ang nagpakain at nagpainom ng gamot sa apat na halimaw na yun.


Na imbyerna kasi ako kay Kuya Axe, kaya nawalan na ako ng gana na pagsilbihan at alagaan pa silang apat. Mabuti nalang right timing yung paggaling ni Manang.



"Manang! Manang!" Pagtawag ko dito pagdating ko sa kusina at naabutan ko syang nagko-cooking show. Ganun.

"Oh. Ser? Bakit po? Ano po yun?" Tanong nya.

"Ahm. May alam po ba kayong bilihan ng mga anting-anting or agimat dito?" Tanong ko.

"Ha? Bakit nyo naman natanong Ser?" Tanong nya ulit.

"Basta po. Kailangan ko pong makabili nun. May alam po ba kayong bilihan nun dito?" Kuda ko ulit.


"Sa Quiapo po Ser. Madaming nagbebenta ng ganun duon." Sagot nyaaaa.



Quiapo?
Saan yun?
Parang ngayun ko lang narinig yun wah. Ahahaha.


"Saan po yung Quiapo Manang? Alam nyo po ba kung paano pumunta dun?" Tanong ko ulet.


Gooosh!
Question and answer portion lang ang pegg namin ni Manang. Kaloka. Ahaha.

"Bakit mo naman tinatanong? Gusto mo bang pumunta dun?" Biglang tanong ni Kuya Ace.


Kaloka!
Bigla bigla nalang syang sumusulpot. Mukhang magaling na ang halimaw na to ah.
Ang bilis naman ata!
Anyareee???
May himalaa ba???
O sadyang mabilis lang talagang gumaling ang mga masasamang damong gaya nya.
Rwwwr.


My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now