Paaakkk 40

35.4K 1.5K 254
                                    




----------




• FITA'S POV •



*Dinner Time*



Nakakaloka!!!
Hindi ako makakain ng maayos!
Sila Kuya Ace, Air at Ash!
Silang tatlo! Nakatitig lang sila sa akin habang ako'y nanginginain.
Hindi nila ginagalaw ang pinggan nila! Kaloka!



"Bakit hindi pa kayo kumakain?" Tanong ni Fafa Ark kila Kuya.

Mygaaad!
Ayan na!
Napansin na sila ni Fafa Ark! Josko.


"Busog na ako Dad." Nakangiting sagot ni Kuya Ace.


"Busog? Kumain kana pala." Ani Fafa Ark dito.


"No Dad. Hindi pa ako kumakain. May tao lang na nakapagpabusog sa akin. Makita ko lang sya. Busog na ako." Sagot nya sabay tingin sa akin!

Megged!!!!
Ano ba Kuya Ace!!!!
Aatakihin ako sayong halimaw ka! Baka mahalata ni Fafa Ark at Mudra yang pinaggagagawa mo!


"Mukhang inlove ka yata Ace? Sino ang maswerteng babaeng yan?" Tanong ni mudra. May pagka-chismosa din talaga siya kahit kailan. Rwwwr.

Nakurrr.
Kung alam mo lang mudra!
Hindi babae ang nagugustuhan nya! Kundi binabae! Ganern!


"Hehe. Secret po muna ngayon kung sino sya Tita. But I'll tell everyone soon." Sagot nya sabay tingin ulit sa akin!

Anooo dawww?
He will tell everyone soooon???
So may balak pala syang sabihin kila mudra at Fafa Ark!
Josko!
It shouldn't beeee!
Hindi ko yun hahayaang mangyari!



"Fita? Gusto mo pa ng kanin?" Tanong sa akin ni Kuya Air dahil mukhang napansin nyang wala ng laman ang pinggan ko.


"Oo Kuya." Sagot ko. Kukunin ko na sana ang sandok ng agawin nya sa akin ito! At nagulat ako ng ipagsandok niya ako ng kanin at inilagay nya ito sa pinggan ko!!!!


"A-ang sweet mo naman Ku-kuya. Sa-salamat." Kuda ko!

Juskorrr!
Alam kong may gusto rin sya sa akin, pero sana naman 'wag niyang ipahalata! Kinakabahan ako sa titig ni mudra! Mukhang may naamoy sya sa amin nila Kuya!!!


"Syempre kung may kanin, dapat may ulam din." Biglang sabi ni Kuya Ash at mabilis nya akong ipinagsandok ng ulam at inilagay nya iyon sa pinggan ko.


"Ahaha. Sa-salamat Ku-kuya." Sabe ko at muli akong nagpatuloy sa eating moment ko.

Naloloka na ako mga bessh!
Ang hirap mag-adjust!
Ang hirap parin talagang paniwalaan! Dati ayaw ng mga halimaw na to na makasabay ako na kumain, pero ngayon pinagsisilbihan pa nila ako! Maryosep!
Totoo ba talaga itong mga nangyayari???


"Nakakawalang gana." Kuda ni Kuya Axe sabay tayo sa upuan nya habang nakatingin sya ng masama sa akin pati na rin kila Kuya Ace.

Anubeyen!
Beast mode na naman ang halimaw na yun!


"May problema ba Axe?" Tanong ni Fafa Ark dito.


"Wala naman Dad. Nakakawalang gana lang kumain ngayon." Sagot nya sabay walk out!

Aba! Ma-attitude talaga ang halimaw na yun! Grrr.


"Anong problema ng Kuya nyo? Bakit ang sama ng tingin sa inyo? May hindi ba ako alam na nangyari?" Matigas na tanong ni Fafa Ark kila Kuya.

My Four Homophobic StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon