Paaakkk 72

27.9K 868 216
                                    

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.






----

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

----

• AUTHOR'S NARRATION •


Patuloy sa pag-agos ang luha sa mga mata ni Fita matapos madala sa ospital ang kaniyang ina na si Helena.
Nasa waiting area sya ng ospital kung saan kasama nyang naka-upo doon sina Air, Ace, Axe at ang kaniyang tinuturing na bagong ama na si Ark. Bakas ang takot sa mga mata ng magkakapatid dahil mayroon silang phobia sa ospital, pero pilit nila itong nilalabanan dahil sa kalagayan ngayon ni Helena.

"Magiging maayos din ang lahat Fita." Saad ni Air habang mahigpit na nakayakap si Fita sa kanya.

"Malakas si Tita at si baby kaya kakayanin nila yan." Dagdag pa ni Ace habang hinahagod nya ang likod ni Fita.

Ginawa na nila ang lahat para patahanin si Fita ngunit hindi pa rin ito tumitigil sa pag-iyak. Takot na takot ito na baka iwan din sya ng kaniyang ina tulad ng pagkawala ng kaniyang ama noon.

Wala pa ring ideya sina Ace at Air kung ano ang dahilan ng pagdurugo ni Helena, dahil wala namang sumasagot sa tanong nila. Kaya kung anu-anong bagay tuloy ang tumatakbo sa kanilang isipan.

"Axe let's talk outside." Sambit ni Ark sa anak habang seryoso syang nakatingin dito.

"Dad? Bakit sa labas pa kayo mag-uusap. Pwede naman dito. We should know kung ano ba talagang nangyari." Tanong ni Ace sa ama.

"Malalaman nyo din ang dahilan, but not now. Kailangan naming mag-usap ng kaming dalawa lang." Tugon ni Ark sa anak. "Axe, let's go." Ani pa nito.

Naglakad palabas ng ospital ang mag-ama. Dinala sila ng kanilang mga paa sa likurang bahagi ng ospital kung saan walang ni isang tao ang naroon maliban sa kanilang dalawa.

"Now explain to me everything."Saad ni Ark sa anak.

Huminga ng malalim si Axe, medyo may kaunti syang kabang nadarama pero nilakasan nya ang loob nya para maisambit ang lahat.

"I-I love him. Ma-mahal ko si Fita Dad." Pagtatapat ni Axe dito. "Hindi ko alam kung paano nangyari, pero nagising nalang ako isang araw na ganito na ang nararamdaman ko para sa kanya." Dagdag pa nito.

"Hindi mo dapat nararamdaman yan! Magkapatid na kayo ngayon, hindi tama yang nararamdaman mo. Ngayon palang, kalimutan mo na yan."

"Hindi kami magkapatid! At kahit kailan hindi ko sya ituturing na kapatid Dad dahil hindi ganon ang tingin ko sa kanya. Hindi madaling kalimutan itong nararamdam ko para sa kanya, hindi yun madali Dad! Mahal ko si Fita, and I'll fight for this feeling!" Matigas na sabi ni Axe sa ama.

My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now