Paaakkk 70

23.2K 921 116
                                    

"Gusto kanya, pero may mahal syang iba."

Bakit ba palagi ko nalang na-eexperience to???! Hindi ba ako deserve mahalin. 😣😣😣😣😣💥

---


• AUTHOR'S NARRATION •



Hindi pa nga nakakalimot si Fita sa sakit na kaniyang naranasan kay Ethan, may panibagong sakit na naman syang kinaharap.

Habang binibisita nya ang kaniyang news feed sa Facebook, nagulat sya nang makita nyang may kasamang babae si Ash. Ang Kuyang nyang nagtungo sa Amerika upang tuparin ang pangarap nitong maging isang basketball player ng sikat na basketball team.

"Siguro kaibigan lang to ni Kuya." Saad ni Fita sa kaniyang sarili. Inumpisahan nyang buklatin ang mga larawan at binasa nya ang lahat ng komentong naroon at doon nya napagtanto na hindi ito kaibigan lamang ni Ash kundi karelasyon.

Samu't saring matatamis na komento ang kaniyang nabasa. Isang magandang babae na hindi maitataging amerikana ang kasama ni Ash sa bawat larawan.

Nakumpirma nyang karelasyon ito ni Ash nang mabasa nya ang palitan ng matatamis na komento ng dalawa at may salitang "I love you" pa sa huli.


"So alam mo na pala?" Biglang tanong ng isang boses mula sa likuran ni Fita. Agad nyang nilingon ang taong nagsalita, at paglingon nya nakita nya doon si Ace.

"Ha? Ang alin?" Ganting tanong naman ni Fita.

"Yan." Sagot ni Ace sabay turo sa cellphone ni Fita kung saan naroon ang mga larawan ni Ash kasama ang isang babae. "That girl, girlfriend yan ni Kuya Ash." Ani pa nito.

"Gi-girlfriend? Ma-matagal na ba sila?" Tanong muli ni Fita.

"Yup girlfriend nya yan. Bago pa lang sila, maybe they're in relationship for almost a month." Sagot ni Ace.

"Uhm. Sige Kuya. Pasok na ako." Paalam ni Fita kay Ace at nagmadali itong naglakad palabas.

"Fita! Wait. Sumabay ka na sa akin." Saad ni Ace ngunit hindi na ito narinig ni Fita dahil nakalabas na ito ng bahay.


Habang nasa loob ng taxi na kaniyang sinasakyan si Fita, paulit-ulit na pumapasok sa kaniyang isipan ang mga larawan ni Ash kasama ang karelasyon nito.

"Bakit Kuya? Bakit hindi mo man lang sinabi sa akin?" Tanong ni Fita sa kaniyang sarili.

"Ha? Ano po iyon Ma'am?" Biglang Tanong ng taxi driver sa pag-aakala nitong sya ang sinasabihan ni Fita.

"Ah. Wala po manong. Haha!" Sagot ni Fita sabay tawa.



Pagdating ni Fita sa Zarvard, napatingin sya sa kaniyang relo. Napansin nyang maaga pa, kaya napagdesisyunan nyang umupo sa isang bench sa tabi ng isang puno.

"Tatawagan ko ba si Kuya Ash o hindi?" Tanong nya sa kaniyang sarili.
Sa loob loob ni Fita, gusto nyang makausap si Ash, gusto nya itong kamustahin at tanungin kung bakit sya lang ang hindi na kakaalam na may karelasyon na pala ang Kuya nyang si Ash.

At ilang saglit pa, dahan dahang pinindot ni Fita ang "call" sa kaniyang cellphone at doon na nag-ring ang telepono ni Ash.


"F-fita? Napatawag ka?" Pagsagot ni Ash sa kabilang linya.

"Uhm. Wa-wala lang Kuya, gusto lang kitang kamustahin." Sagot nito.

"I'm good. Maayos naman ako dito. Ikaw? Kamusta kana?" Ganti naman ni Ash.

My Four Homophobic StepbrothersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon