Paaakkk 51

29.7K 1.2K 190
                                    

Ang hirap talagang mag-isip ng bagong update kung basag na basag ka. Haaayyyy. Mabuti kinakaya ko pang mag-update. 😩😷💥🔫




------



• FITA'S POV •





Ilang araw ko ring hindi pinansin ang tatlong halimaw na yun. Nai-imbyerna pa rin ako sa pang i-isnob na ginawa nila sa akin nung dumating ang Xylene na yun.


Nasa school ako ngayon, si Kuya Ace ang sinabayan ko kanina papasok dito sa Zarvard. Naloka nga ako sa mga kinikilos nya. Parang naging mas sweet sya at gentlemen sa akin. Hindi ko tuloy maintindihan ang hormones ko, parang kinikilig ata sa mga pinagagagawa nya. Ahohoho.
Anubeeeee.



Ngayon, naglalakad na ako papunta sa education building namin, dapat hindi ako malate. Nakuuuur.



Habang naglalakad ako, biglang may isang kamay na humawak sa braso ko. Nagulat talaga ang ganda ko sa nangyari! Kaya nilingon ko kung sino yung nakahawak sa braso ko, at pagtingin ko...




Si Kuya Axe pala!



"Bakit?" Tanong ko in lifeless way. Ganon.

"Gusto kitang makausap." Sagot nya at mukhang seryoso sya.

"Tungkol naman saan?" Tanong ko ulit.

"About your action. Bakit mo ba ako iniiwasan? Why are you avoiding me?" Sabe nya!

Really???!
Hindi mo alam!
Akala ko ba matalino ang halimaw na to! Bakit hindi man lang nya na-notice ang dahilan! Kalokaaaa. Grrr.

"Ano ba sa tingin mo ang dahilan?" Taas kilay kong tanong. Ganern! Mataray mode ON!

"Wala talaga akong ideya. So please! Tell me why?" Sabe nya at mukhang naiimbyerna na rin sya. Aba! Aba!

"Kausapin mo nalang ako kapag alam mo na ang dahilan. Male-late na ako. Bye!" Kuda ko at tinalikuran ko na sya.

Pero naloka ako ng hinawakan nya ako sa magkabila kong balikat at buong pwersa nya akong iniharap sa kanya!
Araaay! Ha! Maseket!

"Bakit ba?! Ano bang problema mo?" Imbyerna kong tanong.

"Ikaw! Ikaw ang problema ko." Ganti nya naman.

Titig na titig sya sa mga mata ko.
Bigla tuloy akong kinabahan mga bessh. Seryoso sya eh. Hoho.

"Kuya. Bitawan mo ako. Kailangan ko ng pumasok." Mataray kong sabi sa kanya.

"No! You'll stay here." Matigas nyang sabe! Megeeed! "Sabihin mo na sa akin ang dahilan kung bakit mo ako iniiwasan. Please. Nasasaktan ako sa ginagawa mo." Dagdag nya pa.

Ayyy kaloka!!!
Totoo ba yung narinig ko?
Sya nasasaktan na?
Eh kamusta naman yung ginawa nya, nila sa akin?! Akala ba nila hindi ako nasaktan dun?!!!!

"Bitawan mo na ako Kuya." Sabe ko.

Pero imbes na bitawan ako, eh bigla nya nalang akong niyakap ng mahigpit! Araaaay! I can't breathe .

"K-Kuya ano ba?! Bi-bitawan mo na nga sabi ako eh!" Kuda ko.

"I'm sorry. Kung ano man yung nagawa ko. I'm really sorry. Huwag mo na akong iwasan. Please." Mahinahon nyang sabi sa akin.

Awwwww.
Bakit bigla akong nakaramdam ng awa sa kanya! Damang dama ko yung sorry nya. Huhu.


"Naasar ako sayo. Sa inyong tatlo." Sabi ko.

My Four Homophobic StepbrothersWhere stories live. Discover now