Pantasya 3> Richy-Pranka-Girl

211 7 0
                                    

Pantasya 3> Richy-Pranka-Girl

Monica Ariel's PoV

"Soooo, what about Rafael, Marla?" Tanong ni Rizza. Nilingon ko muna ang ka-schoolmate naming si Rafael na kasalukuyang nakatambay sa bench at nakikipag-usap sa mga barkada niya bago sumulyap kay Marla na nangangamatis ang mukha sa sobrang kilig. "Shh! Baka marinig ka niya!" Suway ni Marla.

We rolled our eyes. "It's okay! I-kwento niyo na! Halos kalat na sa school ang pagme-makeout ninyo ni Rafael sa dorm ninyo, My gosh!" Wika ni Jen. Rizza nodded. "Oo nga, tell us a story about it!" Rizza giggled.

Pinanood kong nagk-kwento si Marla about sa nangyare sa kanila ni Rafael kagabi habang umiinom ng juice with four seasons flavor. Kumagat ako saglit sa tinapay na may nutella bago muling makinig sa kanila. We're here in the Campus, masyadong maraming tao sa cafeteria so we decided na dito nalang, bukod sa tahimik, my friends would like to hunt some guys.

Well yeah, I have friends kahit na ganito ang ugali ko. We usually hang out every break time. We're not Queen Bee's or Sassy girls na sobrang arte na sinasamahan pa ng english every sentence they say. Let's just say, we are one of the famous people here in the Campus.

"And then what about you, Monica?" Bumaling naman silang tatlo sa'kin nang magsalita si Rizza. "I heard about my classmate na may nakabangga ka na naman sa library yesterday?" I shrug. "Oh yeah, about that..they are making out inside the library, ang mas worst, hindi man lang marinig ng librarian. And I give them the 'too much attention' they want." Kwento ko bago ubusin ang juice.

Jen clapped. "I knew it! Wala naman talagang nakakatalo sa'yo, even us!" Natatawa nitong sinabi. Nagpatuloy naman ang kwentuhan nila patungkol naman kay Rizza, 'yung nangyareng pagkapahiya niya kanina.

Yep, wala ngang nakakatalo sa akin pagdating sa bangayan, halos lahat daw takot sa akin. Alright, whatever.

Nakilala ko si Rizza when I was Grade 9 at bago lang ako dito sa 'Evrybylle Highschool' at siya agad ang unang naging kaaway ko, but in the end, she says sorry kaya naging matalik kaming magkaibigan. Matapos naman kay Rizza ay si Marla naman ang naging katapat ko, like Rizza, napatumba ko kaagad siya sa isang araw dahil pinagkalat kong malandi siya maging sa kanyang ama matapos niyang husgahan ang mga magulang ko. Mas masakit 'yung sinabi ko di ba?

Gumanti lang naman ako. That's all. And then huling-huli ay si Jen. Pero Grade 10 na kami nang makilala ko siya, actually, hindi ko siya bi-nully. She just needs some attention kaya pinagkakalat niya ang mga na-edit niyang pictures na may kasama akong iba't-ibang lalaki. And then one night pinicturan ko siyang nage-edit ng pictures ko sa kwarto niya at ikinalat sa buong Campus. Hiyang-hiya siya sa ginawa niya pero pinatawad ko parin. Minsan lang akong magpatawad, she's a lucky girl.

"Magb-birthday ka na pala next Saturday, anong balak mo Monica?" I turned my gaze to Jen na nagtanong. I smiled. "I want something unique para sa sweet 16 ko." Lumapit pa sila ng konti sa'kin para makinig. "My theme color is usually pink and red. Ngayon mas gusto ko naman ng theme Gold, Silver and Black. What do you think, guys?" Naalala ko kasi ang suot ng babae sa panaginip ko, gusto ko lang gayahin. Maganda kasi ang damit niya at kakaiba pa.

"It's a brilliant idea, Monica! Excited na tuloy kami!" Masayang wika ni Rizza. "Let's go shopping sa mall ng iba't-ibang gowns na may kulay na ganon! Hmm, sa Sunday! Free naman lahat di ba?" Sumang-ayon naman ang dalawa.

"Sorry guys but I chose not to buy some gowns. Magpapagawa si Mom, you know her well" Sagot ko matapos ubusin ang nutella. "Don't worry, I'll help you, ako na ang gagawa ng invitations. Free to tell me the details." Nginitian ko naman si Jen. Well, she's good pagdating sa page-edit. "Really? Thanks. Sasabihan ko sina Mom and Dad about this."

Crystal High Academy Where stories live. Discover now