Pantasya 16> The Third Glass

82 2 0
                                    

Pantasya 16> The Third Glass

~*-

Monica Ariel's PoV

Maaga akong nagising sa sobrang lakas ng patak ng ulan. Napatingin ako sa labas at halos mag-uumaga pa lang. Masyadong maaga para magising pero napagdesisyon kong bumangon sa kama at panoorin ang malakas na ulan.

Naglakad ako patungo sa terrace at hindi ko aakalaing naroon rin si John Phil. Tumabi ako sa kanya. Lumingon siya bahagya sa'kin habang pinagmamasdan ko ang ulan bago panoorin rin ang ulan. Inilahad ko ang kamay ko at dinamdam ang mga mabibigat na patak nito. "Anong ginagawa mo?" John Phil asked.

"Dinaramdam ang ulan.." Sagot ko. "Noong bata pa ako, palagi naming inaabangan ni Lily ang malakas na pagpatak ng ulan.", Dugtong ko. "Lily? Sino si Lily?" Tanong niya. "Si Lily ang...nakababata kong kapatid. Siya 'yung kapatid kong namatay ng dahil sa'kin.", Wika ko. Sinubukan kong pigilan ang pag-iyak.

"Siya ba ang dahilan, kung bakit ayaw mong pumatay ako ng tao?" I simply nod. "Oo. Lalo na sa harapan ko.. Naalala ko kung paano ako naging makasariling panganay, na ang sarili ko pang kapatid ang nagsakripisyo ng kanyang buhay para lamang iligtas ako. Hindi ko halos mapatawad ang sarili ko noong araw na 'yun.", Lumingon ako sa kanya. "Kaya John Phil, ikaw nalang ang natitirang taong kagaya ko, at ayokong nakikita kang pumatay ng tao. Nasasaktan ako, at hindi ko kakayanin na magsisi ka sa pagpatay ng tao.." Niyakap niya naman ako at niyakap ko siya pabalik. Naramdaman ko ang baba niyang sumandal sa aking ulo. Napapikit ako.

"Tapos na ba kayo?" Nagulat naman ako at pumiglas kay John Phil. Napalingon kami sa nakahalukipkip na si Ace kasama ang malulungkot na mga mata ni Tamara.

"Pinagtataksilan mo na ba ako, Phil mahal ko?" What the?! Sila na ba?

John Phil pouted. "Hindi mo ako kasintahan, Tamara. Si nicnic lang ang mahal ko--"

"Shut up, John Phil!" I hissed. "Bakit kayo nandito?" Tanong ko sa kanilang dalawa. Ngumiti naman si Tamara at tumabi sa'kin. Inakbayan niya ako pero pumiglas agad ako at muli na naman niya akong inakbayan. I rolled my eyes. Alright, hindi na ako pipiglas.

"Pinatatawag tayong lahat ng Mahal na Reyna para sa pagtitipon.", Sagot ni Tamara. "Woah! Ano ito?!" Mabilis naman niyang kinuha ang bracelet na alahas na isinuot ko noong 16th Birthday ko. "Bracelet 'yan, isa sa mga alahas na isinusuot sa mundo namin." I answered. Nagtataka naman itong tinignan ni Tamara at inilagay sa ulo. "Dito ba ito isinusuot? O dito?" Sinubukan naman niyang isuot iyon sa paa. "Pfft!" John Phil mumble.

"Sa wrist 'yan sinusuot, Tamara. Kung gusto mo, sa'yo nalang." Lumiwanag naman ang mukha niya nang lingunin ako. "Talaga?! Maraming salamat, Monica!" I shrugged at nauna nang lumabas ng kwarto ko at lumipad papuntang kwarto ng Mahal na Reyna, naramdaman ko nalang na sumunod sa'kin ang tatlo.

***

"Siya si Jeng Mariano, isa siyang nagbabalitang babae. 21 na siya at kasalukuyang nagtatrabaho sa Mundo ng mga Tao.", Pakilala ng Mahal na Reyna. Inilapag niya sa harapan namin ang isang litrato ng babaeng nakablack suit together with her thick glasses. I also saw her brown eyes just like John Phil. Maganda siya eh? Bakit hindi nalang siya nag-model?

"Subalit isa siyang masamang nagbabalitang babae dahil puro kasinungalingan ang lumalabas sa bibig nito. Walang saysay ang pagbibigay niya ng balita dahil ang gusto lamang niya ay ang sumikat, wala siya pakeelam sa mga taong nadadamay niya, ang importante lang sa kanya ay makahanap ng impormasyon kahit wala pang matibay na ebidensya..", Kwento pa nito. Nagtaas naman ng kamay si Hailey at lumingon naman ang lahat sa kanya.

Crystal High Academy Where stories live. Discover now