Pantasya 25> High Elders' Stories

79 5 0
                                    

Pantasya 25> High Elders' Stories

~*-

Monica Ariel's PoV

"So, ilang years ka nang nagsisilbing tagagamot dito sa Crystal High?" Tanong ko kay Treah. Kasalukuyan niyang ginagamot si Marvin sa kwarto niya.

Naisipan ko kasing puntahan siya pagkagising ko. Ayoko namang pumasok sa Academy dahil sa nangyare kahapon at ayoko ring gumala dahil baka husgahan lang nila ako. Atleast dito, walang manghuhusga sa'kin. Walang mag-iisip na isa akong traydor at mamamatay tao.

"10 taon narin." Sagot niya na ikinalaki ng mga mata ko.

"Ganun katagal?" Hindi ako makapaniwala, daig niya pa ang ibang mga doktor na palipat-lipat sa mga ospital!

"Oo. 7 taon palang ako, gumagamot na ako ng pasyente" Hindi ko aakalaing simula pagkabata niya ay natuto na siyang gumamot. Tinuruan ba siya ni Mr. Kent?

"Wala pa si Sir Kent noong mga panahon na iyon. Nakilala lang siya ng Reyna dahil muntikan na siyang maapakan habang siya ay naglalakad. Mabuti nalang at nakilala niya si Sir Kent, dahil kung hindi, lahat ng mga kakaibang bagay na nakikita mo dito ay wala. Magsisilbing isang ordinaryo lamang itong kastilyo pag nagkataon.." Paliwanag niya at ipinahid ang isang dahon sa noo ni Marvin.

"Anong inilalagay mo?" Tinuro niya naman ang dahon. "Ah, ito ba?" Gusto ko siyang taasan ng kilay pero pinigilan ko lang. Malamang iyan ang tinutukoy ko di ba? Hindi ba halata?

Napansin niyang hindi ako sumagot at mukhang nahalata naman niya ang ibig kong sabihin. "Pinapawalang bisa nito ang pagagos ng dugo o paglaki ng sugat, kumbaga kung ihahantulad sa Mundo ninyo, para siyang linta pero isa lang siyang dahon na nakuha ko sa aking hardin." Sagot niya habang inilalagay naman ang isang dahon sa braso at binti ni Marvin.

"Ano ba kasing nangyare kay Marvin?" Tanong ko.

"Muntikan na siyang mahulog sa bangin at mabuti nalang nakita siya ni Ace at tinulungan siya. Kung hindi, maaaring patay na siya.", Wika niya.

"You mean, 'yung bangin na nasa Academy?" Tumango naman siya sa kanyang narinig.

"Iyon nga, doon rin natagpuan ng Reyna si Sir Cruz. Basang-basa daw ito at sugatan. Hayy, kawawang Sir Cruz." Sabi nito habang nilalagyan ng dahon ang leeg ni Marvin.

Basa at sugatan?

Nanggaling ba siya sa kanal?

Mas lalo akong nacurious sa bangin na iyon, kung nagtungo doon si Mr. Cruz, ibig sabihin alam niya kung ano ang nasa ilalim ng bangin. Wala pang nakakapunta roon hindi ba?

Pero marami na ang sabi-sabi na mamamatay ang katulad naming mga immortal doon. Sinubukan ko naring tumalon doon pero natakot ako. Para bang hihilahin ako pababa at hindi na muling makakabalik.

Napukol ang tingin ko sa lalaking nakangiti na ipininta sa isang papel na nakasabit sa likod ng pintuan ng kwarto ni Treah. Tumayo ako at nilapitan ito.

"Sino siya?" Tanong ko at hinawakan ang painting. Tumayo naman si Treah at tumabi sa'kin.

"Siya ang aking ama, matagal na siyang patay." Malungkot niyang sagot.

"May pumatay ba sa kanya?" Hindi ko alam pero bigla nalang iyon lumabas sa bibig ko, I know it's kinda rude pero may tumutulak sa akin na itanong iyon.

Natigilan saglit si Treah bago hawakan ang litrato ng kanyang ama sa frame. "Meron. Kaya lang, hindi niya sinasadya." Sagot niya habang nakatitig dito.

Crystal High Academy Where stories live. Discover now