Pantasya 20> Two Days in The World of Humans

61 2 0
                                    

Pantasya 20> Two Days in The World of Humans (part 2)

~*-

Monica Ariel's PoV

Maaga kaming nagising dahil kay Dhona. Tahimik lang kami at walang kahit na anong gumagawa ng ingay para hindi magising sina Rizza na nasa kabilang kwarto.

Napatingin ako sa orasan at 2:20 AM na. Sakto lamang pala ang gising namin. Hindi na kami bumaba sa hagdan dahil nagkasya naman kaming lahat sa bintana at lumipad.

Kaagad naman naming sinundan si Casper at si Dhona na nagturo ng daan papunta sa isang madilim na kakahuyan sa dulo ng mga bahayan.

Sa unang tingin, aakalain mong parang nasunog na bahay kaya walang masyadong kapitbahay ang bahay na ito pero hindi mo aakalaing dito pala nagtatago ang taong nagnakaw ng 18 milyon sa gobyerno. Myghad, I was thinking why he did such thing.

Bumaba na kami at unang pumasok sa loob ay si Casper. He used his power, ofcourse, invisibility, para walang makakita sa kanya.

Nang malaman niyang walang tao, pumasok na kami ni Ace, Tamara at ni John Phil samantalang si Dhona at Treah ang nagsilbing look-out.

Pagkapasok namin, napakagulo ng loob. Nagsindi si John Phil ng posporo at inilagay 'yun sa kandila para magkaroon ng liwanag.

Naghiwalay kaming lima para maghanap ng maaaring ebidensya na ninakaw nga ni Andrew ang pera. Kasama ko si John Phil sa kwarto habang si Tamara sa kusina at Casper naman sa sala. Tapos si Ace sa banyo.

Nagsimula akong maghanap sa mga drawers habang si John Phil naman sa kama. "Nicnic, ang bango ng kama, parang ikaw" Banat niya. I rolled my eyes as I continue to search.
"So?" Binuklat ko ang isang folder at isinara kaagad ito pati narin ang drawer. Binuksan ko naman ang ilalim nito at naghanap ng files.

"Promise! Kasing amoy mo 'yung kama! Parang malansang isda? HAHAHAHA!" Napatigil naman ako sa kahahanap at sinamaan siya ng tingin. Nagpeace sign siya at naghanap naman sa mga closet.

"Joke lang! Kasing amoy ng Surf purple blooms! Five pesos lang SRP!"

Muli kong ipinagpatuloy ang paghahanap at isinara ang ikalawang drawer.

"Nicnic, tignan mo 'to!" Napabaling naman ang tingin ko sa isang maskara na mukhang babae.

"What's that?"

"Maskara, Nicnic. Hindi mo ba alam 'to? Sinusuot 'to kapag--" I cut him off after I rolled my eyes.

"Ofcourse I know what mask is, idiot! ang ibig kong sabihin ay bakit may ganyan 'yan diyan?"

"Siguro ito ang sinusuot ni Andrew para hindi siya makilala? Kaamoy niya rin kasi eh!" Hindi na ako magtataka kung bakit malaki ang ilong ni John Phil, marahil tama siya dahil kung titignan ang mask, mukhang ilang beses na itong nagamit, meaning ilang beses narin siyang nagpapanggap bilang babae at matagal na siyang nagtatago.

"Kunin mo 'yan, we need evidence para malaman ng buong Pilipinas ang kasalanan niya." Utos ko at mabilis namang kinuha ni John Phil 'yun at nagpatuloy sa paghahanap.

Sinubukan kong buksan ang ikahuling drawer pero hindi ito mabukas, mukhang importante ang laman nito at kinailangan ng susi.

"John Phil, I need your help. Naka-lock ang drawer at may posibilidad na importante ang laman nito.", Tumabi naman sa'kin si John Phil at naging bato ang kamay niya.

"Pfft! Easy cheezy!" Sasapakin na sana niya ang drawer nang pigilan ko siya.

"Oh no, wait! Hindi mo pwedeng sapakin 'yan basta-basta! Baka kapag bumalik si Andrew ay malalaman niyang may kumuha sa files niya! We need to find the key" Pigil ko. Nagcreate naman siya ng susi na gawa sa bato at binuksan ang drawer. I sighed in relief.

Crystal High Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon