Pantasya 40> The Lost Princess

18 0 0
                                    

Ace Rutherford's PoV

"Ace"                                   "Ace"

       "Ace"             "Ace"                "Ace"

                    "Ace"                  "Ace"

Minulat ko ang mga mata ko dahil sa paulit-ulit na nageecho ang boses niya, tinatawag ang pangalan ko..

Minulat ko ang mga mata ko dahil sa paulit-ulit na nageecho ang boses niya, tinatawag ang pangalan ko

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

"Mikaela.." Tawag ko sa kanyang pangalan..

Nakasuot siya ng kulay puti na bestida, sumasayaw sa damuhan nang walang sapin sa paa.

Nakakatulong ang pagsinag ng araw sa liwanag niyang hindi nawawalay.

Napatigil siya nang makita ako, hindi nawalay ang kanyang pagngisi sa kanyang labi, napatitig ako sa mapupungay niyang mata habang naglalakad siya papalapit sa akin

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

Napatigil siya nang makita ako, hindi nawalay ang kanyang pagngisi sa kanyang labi, napatitig ako sa mapupungay niyang mata habang naglalakad siya papalapit sa akin.

"Ace.." Lumapit siya sakin at hinayaan ko siyang hawakan ang aking magkabilang pisngi.

"May nangyare ba sa'yo? Anong problema?" Nasisilayan ko ang pag-aalala sa kanyang mukha.. hindi ko lubos maisip na nag-aalala pa pala siya sa'kin. Kamusta na kaya siya?

Iniwasan ko ang kanyang tingin at hinawakan ang kanyang mga kamay bago ito binaba. "Mikaela.." Wika ko pero iniiwasan kong magtama ang mga paningin namin..

Ang mga ngiti niya kanina'y nawala at napalitan ng malungkot na mukha. "Bakit Ace? Ayaw mo na ba sa'kin? Hindi mo na ba ako gusto?" Napapikit ako nang marinig ko na naman ang malumbay niyang boses, ito ang pinakaayaw kong marinig...

Pagdilat ko, umiiyak siya, lumuluha, bakas ang pagkatakot sa kanyang mukha at hindi makapaniwala.

"Pinalitan mo na ako Ace" Napatitig ako sa mga mata niya...nasisilayan ko ang mukha ni Monica, subalit saglit lang dahil bumalik muli ang imahe sa kanyang orihinal na mukha.

Crystal High Academy Where stories live. Discover now