Pantasya 29> Affection

36 1 0
                                    

Pantasya 29> Affection

~*-

Monica Ariel's PoV

"Monica." Galit kong tinignan ang papalapit na si Tamara, as usual, nakakapit na naman siya kay John Phil na parang tuko. I rolled my eyes bago bumangon ng kama. "What?"

"Gusto ka raw makausap ni Ace sa labas, hindi mo ba talaga siya kakausapin? Kaninang madaling araw pa siyang nandun at hinihintay na lumabas ka." Tinaasan ko siya ng kilay.

"Ilang beses ko bang uulitin sa kanya na ayoko nga siyang kausapin? Argh!! he's too annoying!" I hissed at sinubukan kong kumalma. Halos hindi ako makatulog kagabi dahil sa ginawa niya, I hope kinain na siya ng konsensya niya. Damn him, he's a perv!

"May nangyare ba at ayaw mo siyang kausapin?" Bigla akong namula sa sinabi ni Tamara at iniwasan siya ng tingin, ramdam ko naring nakatingin narin sa'kin ang nagtatakang si John Phil.

"May ginawa bang kalokohan ang Ace na 'yun sayo?" He asked seriously pero umiling nalang ako.

Ayokong madamay pa sila dito, ayokong may mangyare na namang gulo. Mas mabuting ako nalang ang magkaroon ng sama ng loob, mas mabuti si Ace lang ang makaramdam ng guilt at wala ng iba pa. I also blocked my mind to prevent them from reading just to be safe.

"No. Just leave him alone there. Ayoko lang talaga siyang kausapin." Sambit ko at muli ko silang iniwasan ng tingin, konti nalang at mahahalata na nilang may mali talaga sa'kin.

Tumabi naman sa'kin ang naga-alalang si Tamara. "Kung ayaw mong pag-usapan ngayon, ayos lang. Kung ano man ang ginawa ni Ace, sana mapatawad mo na siya" Muntik ko nang sipain palabas ng kwarto ko si Tamara dahil sa sinabi niya, hello?

Naririnig niya ba ang sinasabi niya? Mapatawad? Sa tingin niya ba ganoon nalang kadali ang patawarin ang isang manyakis na katulad ni Ace!!?

First of all, sinabihan ko siyang maghintay sa labas at hindi ko sinabing pumunta siya sa terrace. Pangalawa, hindi siya nakinig at sinabihan ako na nagmamadali na siya but still, pwede naman niya akong hintayin makabihis muna or kaya umalis nalang siya kahit hindi na siya magpaalam! I don't care! At higit sa lahat, he saw my naked body!!

He saw my b**bs! fucking hell, I deserve to saw his naked body too!!

Namula ako bigla sa naisip ko. No no, I mean, except his "undies." Alam kong wala lang sa kanya ang makitang may nakahubad, pero sana naman intindihin niya rin ako! Mortal ako at kalahating tao, Ofcourse mandidiri ako sa sarili ko kung sakaling nakita ako ng ganoon!

Pumiglas ako kay Tamara bago ko pa siya pagbuntungan ng galit. Marahas kong binuksan ang pintuan at malakas na isinara. Tumambad sa'kin ang gulat na mukha ni Ace habang nakasandal siya sa gilid ng pintuan at nakapamulsa.

Sinamaan ko siya ng tingin. "Anong ginagawa mo dito? Ang kapal naman ng mukha mong magpakita sa harapan ko." Sinubukan niyang lumapit pero umatras ako. "I just want--"

"To say sorry?" I show him my most annoying smirk.

"Walang tabla ang paghingi mo ng tawad, nakita mo na ang hindi mo dapat nakita at wala ka nang magagawa para bawiin pa 'yun." Natahimik siya saglit bago napakamot sa kanyang ulo.

"Uhh, what I mean is, gusto ko lang sana itanong sa'yo kung anong kulay ng bulaklak ang gusto mo para sa party? Hindi ko kasi alam kung anong paborito mong bulaklak." Natameme ako sa narinig ko, ibig sabihin, hindi siya pumunta dito para humingi ng tawad?

Pumunta lang siya dito at naghintay buong madaling araw para lang itanong sa'kin kung anong klase ng bulaklak ang gusto ko?!

Pwede naman nalang niyang ipatanong! Bakit kinailangan niya pang hintayin akong makalabas?! Napayukom ako ng kamao at hindi ko siya nagawang tignan sa sobrang pagkapahiya.

Crystal High Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon