Pantasya 39> Uncontrolled Power

52 2 0
                                    

Pantasya 39> Uncontrolled Power

~*-

John Phil's PoV

Buhat-buhat ko si Monica habang naglalakad ako palabas ng portal. Kadadating lang namin sa Crystal High at sinalubong kami nina Tamara at Treah.

Muli akong napalingon sa likod at naabutan kong akay akay ni Red si Hailey na nawalan ng malay. Habang hawak-hawak naman ni Dhona si Ace at kay Teacher Macey naman ang walang malay na si Ysabelle.

Lumapit ang nag-aalalang sina Tamara at Treah sa'min. "Anong nangyare sa kanila? Bakit wala silang malay lahat?!" Naguguluhan na sinabi ni Tamara at tinulungan kami.

"Muli na namang nasobrahan ang paggamit ni Monica ng kanyang kapangyarihan." Sagot ni Teacher Macey.

"H-Ha?! Eh bakit maraming nawalan ng malay?!" Takhang dugtong pa ni Tamara.

Wala ni isa man sa'min ang nagsalita o sumagot man lang sa tanong ni Tamara.

"S-Si Marvin, nasan?"

Napatigil kami sa biglaang tanong ni Treah. Tinignan ko siya sa mga mata at alam kong naiiyak na siya dahil mukhang nabasa na niya ang mga isip namin.

"Bakit hindi niyo kasama si Marvin? Saan niyo tinago si..si Marvin?" Napatigalgal siya nang makitang umiiyak narin si Red, ang pinakamatalik na kaibigan ni Marvin.

Hindi narin mapigilan ni Treah ang maiyak at hinayaan ang sariling kumapit sa mga bisig nito. Nalulungkot ako para sa kanilang dalawa, siguradong malulungkot din ang Reyna kapag nalaman niya ang lahat.

Pansamantala ko munang iniwan si Monica sa kanyang kwarto at hinayaang makatulog. Agad din kasi kaming pinatawag ng Reyna para mabigyan siya ng balita pagkadating namin sa Mundo nila.

Naabutan ko si Luna na lumabas sa ilalim ng lamesa at dali-daling umakyat sa kama kung saan nakahiga si nicnic, pagkatapos ay tinabihan niya ito at muling natulog.

Napatingin ulit ako sa mukha ni Monica, halata sa mukha nitong napagod siya sa nangyari dulot ng pawis mula sa buo niyang katawan, basang-basa siya at di mapakali. Pabaling baling ang ulo na animo'y nananaginip.

"Monica.." Tawag ko sana sa kanya pero napatigil agad ako sa lumabas sa bibig niya.

"Ace...."

Malungkot ko siyang tinignan habang binabanggit ang pangalan ni Ace sa harapan ko. Hindi ko mapigilang maiyak habang pinagmamasdan ko ang problemado niyang mukha.

"Ace.."

"Hanggang pagtulog ba, siya parin?" Tanong ko sa kanya, patuloy lang siya sa paghikbi at di magtatagal ay tatawagin muli ang pangalan niya at hihingi ng tawad.

"Monica, kelan ba magiging ako?"

Sobrang tahimik ng kwarto, bukod sa ako lang ang nagsasalita, hindi naman magawang magising ni Monica dahil paniguradong maiistorbo ko lang siya.

"Kelan ba dadating ang pagkakataon..kung saan ako naman ang lalabas sa mga bibig mo?"

Napayuko ako.

"Sana hindi ko nalang nakita...sana hindi ko nalang kayo nakita ni Ace.."

*flashback*

"Thank you rin ha!! Sa regalo mong gamit na!" Rinig na rinig ko mula dito mula sa hallway ang isang pamilyar na boses. Dumungaw ako sa loob ng kwarto ni Monica dahil doon ko narinig ang paguusap nila...

Crystal High Academy Where stories live. Discover now