Pantasya 22> Triztan

60 4 0
                                    

Pantasya 22> Triztan

~*-

Monica Ariel's PoV

Nagmadali akong lumabas ng light portal at halos atakihin ako sa puso nang makita ang nasusunog na bahay ng mga taga-Alium Velvet.

Mabilis akong rumisponde at nagpakawala ng malalaking tubig at ibinuhos iyon sa mga bahayan. Tinulungan narin ako ni Ace na patayin ang apoy at ilang saglit pa ay namatay narin ito.

Tumulong naman si Treah na gamutin ang lahat ng mga nasugatan, samantalang inirescue naman namin ang iba.

"Mahal na Reyna!!" Tawag ng nag-aaalang si Dhona, Casper at Tamara at dali-daling pinuntahan ang nanghihina naming Reyna.

Nakahinga ako ng maluwag nang mabalitang maayos ang kalagayan ng lahat at wala namang namatay, ang kaso, ang Mahal na Reyna ay talagang nanghihina kaya ipinasok siya sa palasyo. Tapos si Triztan naman, dinakip ng mga taga-Dark Side.

Sumunod kami papunta sa kanila at pumuntang kwarto ng Reyna pero hindi kami pinapapasok ng mga kawal. Para kaming nasa waiting room habang naghihintay sa operasyon, lahat ay may kalungkutan sa kanilang mga mukha habang nakaupo kami at hinihintay ang resulta sa paggamot ni Treah sa Reyna.

"Anong nangyare dito?" Hindi ko naman agad napansin ang kadarating lang na si Mr. Kent, together with Mr.
Cruz, his assistant.

"Kasalukuyang nasa loob po ang Reyna marahil sa over-used power na inilabas niya noong sumugod ang mga taga-Dark Side.", Sagot ni Fritz. Over-used power? Kung hindi ako nagkakamali, naalala ko ang sinabing babala sa'kin ni Ace noong nasa bus kami at sinabing hindi ko pwedeng gamitin masyado ang powers ko dahil mao-over use daw ito.

Now I know, marahil kung gastusin ko ang kapangyarihan ko, palagay ko manghihina narin ako tulad ng Reyna. Pati rin pala ang mga kapangyarihan namin, may limitasyon.

Pero somehow, may mga pumasok na tanong sa isipan ko, like 'Mawawalan na ba ng kapangyarihan ang Reyna?', 'Paano ang powers niya?', 'Kamusta na kaya siya?'

"Papasok ako.", Wika ni Mr. Kent at tatangkang papasok ngunit tinutukan siya ng matalim na sibat ng isang kawal kaya napatigil siya.

"Hindi kami pinapapasok ng mga kawal kanina pa.", Inis na singit ni Red. And it hit me! Oo nga, may napansin lang ako.

"Nasaan nga ba kayo noong binubuwis ng Reyna ang buhay niya?" Takhang tanong ko sa dalawang kawal na nagbabantay sa kwarto ng Reyna. Napunta ang atensyon nila sa akin saglit bago tumingin din sa mga kawal.

"She's right. Mukhang hindi ko kayo napansin." Dagdag ni John Phil.
"Inutusan po kami ng Reyna na iligtas ang mga Alium Velvet habang sila naman ang pupuksa sa mga taga-Dark Side" Sagot ng kawal habang nakatingin sa'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay dahilan para mapaiwas siya ng tingin. Iniripan ko naman siya sa sagot niya.

I thought they're suspicious or talagang nakatayo lamang sila sa kanilang mga binabantayan at hindi man lang kumikilos. Sana hindi nalang sila swelduhan!--which is wrong, hindi sila humans para swelduhan, hindi ko alam kung ano ang kapalit ng paninilbihan nila sa palasyo.

Natutulog rin ba sila sa kanilang pwesto at doon rin sila kumakain? O talagang nagshi-shift din sila ng ibang magbabantay tulad sa labas? Ugh. Kelan pa ako naging interesado sa mga kawal? Maybe now.

Hindi nagtagal ay pumasok sina Mr. Kent at lumabas kasama si Treah na may dalang tray. "Maayos na ang lagay ng Reyna. Bukas magigising narin siya, kahit papaano, nagawan ni Mr. Kent ng paraan para maibalik ang kapangyarihan niya. Ang kaso nga lang, hindi niya pwedeng maover-used ulit ito dahil sa susunod na may mangyare ulit, mas lalo lang siyang mahihina at mawawalan na talaga ng power, o kapag mas lumala, mababawian na siya ng buhay.", Paliwanag ni Treah.

Crystal High Academy Where stories live. Discover now