Pantasya 28> Real Dream

37 2 0
                                    

Pantasya 28> Real Dream

~*-

Monica Ariel's PoV

"Tulong...tulungan mo ako.." Napadilat ang mga mata ko at isang malaking salamin ang bumungad sa'kin.

Naroroon na naman sa loob ang isang babaeng nakasuot ng nakapastel gold na gown at humihingi ng tulong.

Bumangon ako para pagmasdan siya ng mabuti ngunit hindi ko siya masyadong makita dahil sobrang blurry niya, naririnig ko ang paghikbi niya.

"Tutulungan mo naman ako di ba? Iligtas mo ko..m-maawa ka" Unti-unti akong lumapit sa salamin ngunit mas lalo lang nagiging blurry ang itsura niya.

"S-Sino ka?" Kinakabahan kong tanong.

"Anong kailangan mo sa'kin? Bigyan mo ko ng dahilan para iligtas kita.", Nanahimik siya bigla at parang nanigas sa kinatatayuan ko.

"Ako....Ang matagal ng nawawalang prinsesa..." Nanlaki ang mga mata ko.

"Ikaw ang matagal ng nawawalang anak ni Reyna Alliyah? Ang..ang long lost princess ng pantasya.." Bigkas ko.

"Bakit ako ang gusto mong magligtas sa'yo?" Naguguluhan kong tanong. Kahit malabo siya, nakikita ko parin ang pagngisi niya sa'kin.

"Dahil ikaw ang nakatakda, ikaw ang sagot para muling mabuo ang The Magical Crystal. Kapag nailigtas mo ako sa mga Dark Side, malalaman mo ang lahat..mag-iingat ka.", Napakagaan ng boses na lumalabas sa bibig niya..

"Sandali, nasa..nasa Dark Side ka?" Hindi na naman siya sumagot.

"Subalit hindi kita napansin na nakakulong ka doon?" Nagtataka kong dugtong, pero wala akong nakuhang sagot kundi ang pananahimik niya lang.

I almost cursed when the mirror cracked at bigla akong napalayo sa gulat.

"Saan ka nila dinala?! Tutulungan kita, magpakita ka! Sabihin mo sa'kin ang pangalan mo!" Biglang naglaho ang prinsesa sa salamin na nasa harap ko.

Luminga-linga ako sa paligid subalit puro itim lang ang nakikita ko.

Nakarinig ako ng isang magandang boses. "Ang pangalan ko ay si Arystel Raegan." Sambit nito.

"Saan ka dinala? Sabihin mo sa'kin, tutulungan kita!" Muli kong sigaw.

Subalit isang eksena ang bumungad sa akin. Nasa isa akong madilim na kwarto, may mga torch sa bawat sulok nito at may upuang napupuno ng sapot, marahil matagal na ito dito.

Nakarinig ako ng iyak ng isang sanggol, dali-dali akong lumingon sa likod ko at isang sanggol ang naabutan ko sa kama at nakahiga, nakabalot siya sa isang lampin na may kulay na pastel gold. Nanlaki ang mga mata ko, hindi kaya siya ang prinsesa?

Unti-unti ko siyang nilapitan, umiiyak parin ito, lumuhod ako sa harapan niya para hawakan siya ngunit laking gulat ko nang mapagtantong tumatagos ang mga kamay ko sa kanya, I looked at my hands at sinuri ang mga ito. Am I dead?!

Biglang bumukas ang pintuan at pumasok doon ang isang balot na balot na babae sa kanyang kasuotan, hindi ko siya masyadong makita dahil nakasuot siya ng hood at mukhang walang balak na magpakita.

Nagulat rin ako ng lagpasan niya ako, tila hindi niya rin ako nakikita. Nilingon ko siya na kinukuha ang bata sa harapan ko.

"Saan mo siya dadalhin?!" Gulat kong sigaw sa kanya.

Crystal High Academy Where stories live. Discover now