Pantasya 36> Problem Solved

48 1 0
                                    

Pantasya 36> Problem Solved

~*-

Monica Ariel's PoV

Napahigpit ako ng kapit sa hita ko habang pinakikinggan silang sermunan ako.

Kaninang umaga paggising ko, ito ang binungad nila sa'kin. Kailangan ko raw pumuntang meeting room dahil may pagpupulong na magaganap. Ayun pala ay tungkol sa pagtakas ko.

"Hindi ka ba talaga magsasalita?" Tanong ng nakasimangot na si Red na nasa harapan ko, lahat ng mga High Elders ay nakapaligid at nakatitig sa akin, titignan kung ano ang susunod kong gagawin.

Napatingin ako sa upuan ni Tamara, pero walang nakangiting kaibigan na nakasalubong sa'kin, kundi upuan lang. Siguro sinadya talaga ni Tamara na hindi ako makita.

Napabuntong hininga ako, siguro ayaw niya talagang magkita kami..siguradong iinit lang ang ulo niya kapag nakita niya ako.

Sunod akong napatingin kay John Phil, nakangiti siya sa'kin, kesa sa ibang High Elders, seryoso ang mga mukha nila, idagdag mo pa ang itsura ng Reyna na napakakalmado at seryosong nakatingin sa'kin.

Actually naiintindihan ko naman talaga sila kung bakit 'yung iba sa kanila nagagalit, dahil gusto nilang malaman kung bakit ako tumakas,  iniisip nila na isa akong traydor.

Once ko na nasulosyunan ang issue ko tungkol doon, pero hindi ko lang alam kung paano ko sisimulan magpaliwanag ngayon dahil pangalawang beses ko ng nilabag ang utos nila.

Alam na nila na nagprisinta lang si Tamara na samahan ako palabas, at hindi niya talaga intensyon na lumabas, alam nilang gusto lang ni Tamara na may kadamay ako para hindi lang ako ang sisihin sa nangyare.

"Ang tanong ko, bakit ka lumabas?!" Napataas ang boses ni Red kaya napahigpit ang hawak sa kanya ni Dhona.

"Red, maghinay ka. High Elder rin siya katulad natin, kung may magawa man siya, respetuhin mo parin. Huwag mong pagtaasan ng boses" Aniya habang nakatingin kay Red, walang nagawa si reddish hair kundi ang iripan ako.

"Hindi naman kasi siya sumasagot, sinong hindi maiinis kung hindi ka papansinin neto?!" Pasigaw niya kay Dhona habang nakaduro ang kanyang daliri sa'kin. Hindi ko mapigilang humalukipkip.

"Kahit kelan, hindi ko pinagsisisihan ang paglabas ko kung ang dahilan lang naman ay para sa ikabubuti ng mga kaibigan ko." Panimula ko, marami ang nag-react at napuno ng bulungan ang paligid. Natawa ng mapakla si Red.

"Kaibigan? May kaibigan ka pa pala? Tss!" Walang nagawa si Red kundi ang mapaupo sa kanyang upuan sa sobrang inis. Mas lalo akong nalungkot dahil sa narinig ko.

Sunod namang tumayo si Dhona para magtanong. "Pakiusap, sabihin mo na sa amin ang dahilan ng paglisan mo, sa ginagawa mong 'yan, binibigyan mo lang kami ng dahilan para pagdudahan ka." She said, I can't help but to smirk.

"Exactly, dahil wala kayong tiwala sa'kin. Wala kayong tiwala sa dahilan at kakayahan ko. Kaya madali lang sa inyo ang humusga, ganoon ba ako sa paningin niyong lahat?"

"Wala kaming sinasabing wala kaming tiwala sa'yo. At hindi karin namin hinuhusgahan, ito na ang pangalawang pagkakataon na lumabas ka sa Mundo ng Pantasya nang walang paalam. Nagtataka lang kami kung ano ang motibo mo kung bakit ka lumabas ng pantasya." Singit ni Ysabelle. 

"Tama si Ysabelle, Monica. Dahil ba gusto mo nang bumalik? Hindi ka maaaring makabalik nang hindi mo pa natatapos ang misyon mo." Panenermon ni Casper.

"I know, I know! I did it for my friends. Remember what Lucy said on Masquerade's party? Ibang kaibigan ko ang puntirya nila laban sa akin, that's why I acted immediately without thinking! Kinabahan lang naman ako bilang isang kaibigan, na baka tama ang kutob kong sila ang target nila!" Paliwanag ko pa.

Crystal High Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon