Pantasya 5> World of Fantasies

160 3 0
                                    

Pantasya 5> Crystal High Academy

~*-

"DAMN ALL OF YOU! HINDI NIYO BA AKO KILALA?! I AM MONICA ARIEL BELLEVENTURA! I AM BELLEVENTURA! FOR YOUR SAKE OPEN THIS GODDAMN DOOR!!" Hinampas-hampas ko ng malakas ang pintuan. Sinipa ko ito sa sobrang inis. Ilang kadena ba ang inilagay nila dito kung kaya't hindi ko mabukas?!

"Hindi niyo talaga bubuksan ang pintuan?! Argh, fine!!! Huwag na huwag lang akong makakita ng cellphone dito at magsusumbong talaga ako sa mga pulis!!! Mga peste kayo! Peste itong palasyo ninyo!! Sino ba designer nito? NAPAKAPANGET! Kasing panget ng kastilyong ito!!!" Sigaw ko. I'm sure imposibleng hindi nila narinig ang malakas kong boses. Pwera nalang kung soundproof ang kwartong ito. If is, then I'll take a suicide right now. Kanina pa kaya ako sigaw ng sigaw! Ang sakit sa lalamunan!

Hindi ko na nabilang kung ilang oras na ba akong nanatili sa kwartong ito matapos umalis ni Treah. Argh! Bakit niya pa kasi ni-lock ang pintuan?! Hello?! I'm not a beast to locked inside a huge room!

Galit naman akong napasandal sa pintuan. Muli kong tinignan ang bowl na green beans na binigay ni Treah. Seriously? Should I eat that? I rolled my eyes at muling nakaisip ng idea.

Padabog akong pumunta sa lamesa at kinuha ang bowl ng beans. Kaagad kong binasag ang bowl na iyon at kumuha ng glass piece. Alright, Monica. This is your last chance to escape.

Dali-dali akong pumuntang pintuan at sinubukan kalikutin ang padlock. Nanlaki naman ang mga mata ko ng makitang iba ang shape nito sa mga karaniwang pintuan sa mansion namin. "What the h*ll?!" I shouted at padabog na ibinato ang glass piece sa pintuan. Napasabunot naman ako sa buhok ko. Anong klaseng padlock ba ito?!

Napadaing ako ng maramdamang may dumaplis na glass piece sa pisngi ko. Oh no, it ruined my face!! Hindi ko mapigilang mainis. I'm sure tumalsik 'yung glass piece na binato ko sa pintuan papunta sa mukha ko. What a dumb strategy, Monica.

Wala akong nagawa kundi mapaupo na lang sa dulo ng kama. I'm hungry!! At mukhang hindi na talaga ako makakalabas ng kwartong ito. I sighed in defeated.

Nakarinig ako na may bumukas ng pintuan. Unti-unti kong inangat ang ulo ko sa isang lalaking napakagulo ng buhok, he's maybe tired? Nakablack t-shirt ito at white shorts. Luminga-linga ito at nang magtama ang mga mata namin, he smirked. He also have that yellowish eyes huh..

"You must be...Monica? That stubborn girl?" Wow himala, nage-english 'to? Mukhang taga-bundok kasi 'yung iba niyang mga kasama, kung makatagalog ay malalim! Wait, what did he called me? A stubborn girl?!

Napansin ko namang may dala-dala itong 5 nakatuping tela. "These are your clothes girl, school uniform, High Elder uniform, Castle Uniform, Human Uniform and a badge." Inilapag niya 'yun sa drawer kung nasaan ang mga alahas ko.

"My name is Ace Kurt Rutherford and I guess wala kang balak na magpakilala pa. You really are, Monica." Tinaasan ko naman siya ng kilay. "Will you please tell me where the heck I am? At bakit ninyo ako kinukulong? Alam mo ba kung ilang oras na akong nandito?!" Galit kong sigaw sa kanya.
Tumingin siya sa'kin saglit bago isara ang pintuan. "Kung ihahantulad sa Mundo ninyo, isang araw ka nang nandito sa kwarto na 'to." Nanlaki naman ang mga mata ko. I-Isang a-a-araw?!

"Hindi ka namin kinukulong. We're waiting for you to calm first, bago kita pasukin dito. Your body si out of control and also your power, lalo na't hindi mo pa nakokontrol ito ng maayos. So tell me, ganito ba ang mga tao na kagaya ninyo? Magdadabog at magwawala sa pintuan?" Sinamaan ko siya ng tingin at hindi siya sinagot. Myghad, that was a STUPID. STUPID. STUPID question. Sino ba namang hindi magdadabog at magsisisigaw kung isang araw ka nang nakakulong sa kwarto ito without knowing why?!

Crystal High Academy Wo Geschichten leben. Entdecke jetzt