Pantasya 9> Out of Time

107 2 0
                                    

Pantasya 9> Out of Time

~*-

Monica Ariel's PoV

Palakad-lakad ako sa harap ng Reyna. Gosh! Sino ba namang hindi magpa-panic?! Hindi ba kapag may lason ay kokonti na lamang ang oras at gagana na ito?! Coughing blood, bubbly mouth are one of the symptoms of poisoning!

Hindi ko alam kung sinadya ba o hindi ang may gawa nito. But I am sure, it's evil! Anong oras na ba?! Anong oras ba gagana ang lason?! Kahit pa may galit ako sa mga kapwa-High Elders ko ay hinding-hindi ko kailanman sila lalasunin! Oh God! Kailangan pa nilang mabuhay!

Tumingin ako kay Reyna Alliyah na tahimik at kampanteng naghihintay sa pagdating ni Treah. Wtf?! Kelan pa siya naging mahinahon kapag nababawasan na siya ng mga tauhan?! I can't believe! Mayroon bang ganyang kakampanteng Reyna?!

"Hindi ka makakapag-isip ng maayos kapag hindi ka mapakali, Monica" Sagot niya. Okay, calm down, Monica...calm down! Huminga naman ako ng malalim at tumigil sa paglalakad. She's right, hindi ka nga makakapagisip basta-basta kung magpa-panic ka lang.

Sakto namang nakarinig kami ng tumatakbo and I turned my gaze to Treah, kasama ang pawisang si Ace. "Mahal na Reyna! Hindi basta-bastang lason ang inilagay sa mga pagkain!" Sabi nito. Ibinigay naman sa kanya ni Reyna ang papel na kanina'y binigay ng lalaki. "Nais kong alamin mo kung anong klaseng uri ng lason iyan" How?! Ni wala pa nga kong naririnig na may ganyang lason!

"Ito ay isang lason na kapag dumikit sa loob ng katawan ay maaaring umubo ng dugo mo sa katawan, kung kaya't nagsusuka sila ng dugo, pagkatapos ay bubula ang kanilang mga bibig at pagkatapos ng isang oras ay mawawalan na sila ng buhay.." Paliwanag niya. Muli akong lumingon sa mga tagapagsilbi na nakahandusay sa sahig at bumubula ang mga labi, ibig sabihin ay katatapos lamang nilang umubo ng dugo.

"Isang oras...kung hindi ako nagkakamali, mayroon na lamang tayong 20 minuto upang iligtas sila" Singgit ni Ace. Whaaaaat?! Hindi magtatagal ay sasabog na talaga ko dito sa sobrang panic!

"Nawawalan na tayo ng oras, Treah, mayroon ka bang panlunas sa iyong hardin para dito?" Tanong ni Reyna Alliyah. Nag-isip naman saglit si Treah bago lumiwanag ang kanyang mukha. "Kahit kakaiba ang lason na ito, mayroon parin akong sapat na panlunas. Kahit papaano ay matitigil nito ang paglabas ng dugo at pagbula ng labi kapag naipasok ang gamot na iyon sa kanilang katawan." Gosh! Buti nalang at may panlunas!

"Ipaubaya mo iyon kay Monica at kay Ace na hanapin ang panlunas. Kinailangan namin ni Treah pagalingin at protektahan pansamantala sila para hindi agad sila mawalan ng buhay." Sabi ng Reyna. Wtf?! Kami pa ni Ace!? May sakit itong kasama ko at wala akong kaalam-alam sa mga panlunas!!!

"Kunin ninyo sa aking hardin ang panlunas na tinatawag na Dropanomean, kulay asul ito na may pula sa ilalim at mukha iyong blostan! Magmadali!" Utos ni Treah at kahit wala akong naintindihan ay sinundan ko nalang si Ace na lumipad.

Muli kong tinanaw sina Treah na naglalabas ng kulay green sa kanyang palad.. Habang hindi ko naman nasilayan kung anong kapangyarihan ng Mahal na Reyna. "Her power is shield", Napalingon naman ako kay Ace. "Shield?! Shield lang?!" He nodded. Wala man lang pang-attack ang Reyna? Tanging Shield lang?! Wth?

"She does. Pero mukhang lazer lang, but her own power is shield.. Huwag mong basta-basta minamaliit ang kapangyarihan niya" I rolled my eyes. Ofcourse! I know! Iba lang kasi talaga ang ine-expect kong magiging kapangyarihan ng Reyna. If I know na Shield pala ito, edi sana hindi na ako nag-imagine na mas mataas pang posibilidad na magiging powers niya.

Crystal High Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon