Pantasya 7> Mind Reading

118 4 0
                                    

Pantasya 7> Mind Reading

~*-

Monica Ariel's PoV

Muli naman akong nagising sa kwarto ko. Wait, my room? Paano ako nakapunta dito? Don't tell me kabisado ko na ang mapa ng palasyong 'to?

"Mabuti naman at gising ka na." Bumaling naman ang ulo ko kay Dhona at kasama niya ang nagbabasang si Ysabelle.

"How do I get in here?" Tanong ko at pilit na inaalala ang mga nangyare kanina ngunit wala pang pumapasok sa isip ko. "Nakita ka ni Ysabelle sa labas ng kastilyo. At dinala ka niya dito" I rolled my eyes. "Hiningi ko ba ang tulong ninyo?"

"Ganyan ka ba talaga sa mga tumutulong sa'yo? Sa halip na magpasalamat ka nalang, minamaldita mo pa kami." Sabi ni Ysabelle. Tinaasan ko naman siya ng kilay. "I don't care, go away" Muli akong humiga sa kama ko.

"Gabi na. Bakit hindi mo subukang kumain? Tayo nalang ang hinihintay ng Reyna na kumain doon." Yaya ni Dhona. "Wala akong ganang kumain. At isa pa, bakit ba kailangan ko pa ng sundo? Are you my bodyguards?"

Kumunot naman ang noo ni Ysabelle. "Bodyguards? Ano 'yun?" Oh well, nasa ibang mundo pala ko. Hindi ko siya pinansin at bumangon na. "Ano hindi pa ba kayo tatayo diyan? Let's go!" Bulyaw ko sa kanila. Tumayo naman na sila at nauna nang lumabas si Ysabelle. "Wait" Napahinto naman si Dhona habang nakahawak sa doorknob. Bumaling siya sa'kin at nagtataka akong tinignan.

"Kamusta na si Tamara?" She smiled. "Maayos na ang lagay niya." Tumango naman ako bago kami lumabas ng pintuan.

~*-

Tahimik naman kami ni Dhona at Ysabelle umupo sa kanya-kanya naming upuan. Bumukas ang pintuan at inilapag ng mga Alium Velvet ang iba't-ibang pagkain sa hapagkainan. Halos lahat ng pagkain ay may aura na kulay green. Seriously? I hope walang lason 'to.

"Simulan na nating kumain" Utos ng Reyna at nagsikainan na nga kami. They didn't even pray before they eat. I rolled my eyes. I forgot na nasa ibang mundo nga daw pala ako.
Sinubukan kong kainin ang mukhang luya sa harapan ko. It tastes sweet and bitter. Fine, okay narin.

"Anong lasa ng pagkain, Monica? Ganito rin ba ang mga kinakain ninyo sa mundo niyo?" Mahinahon na tanong ni Reyna Alliyah habang ngumunguya ng pagkain. Hindi man lang niya ko tinitignan at sa pagkain lang nakatuon ang atensyon nito. "Ayos lang. Iba po kasi ang kinakain namin, may hinahaluang kanin" Sabi ko. Kumpara dito, parang ulam lang ang hinahain sa'min.

"Kanin? Ano 'yun?" Tanong ni Kiana. "Hinahalo ang kanin sa ganitong kinakain natin. Ayos lang naman sa'kin kahit wala nang kanin" Sagot ko. Nagpatuloy naman ang lahat sa pagkain. "Kamusta ang pagsasanay sa paglilipad? Nabatid kong ang kaklase mong si Tamara ay may iniindang kalagayan" Nanigas naman ako sa kinauupuan ko ng magtanong ulit ang Reyna. Ghad.

Tinanaw ko si Tamara na ngumunguya lang ng pagkain at mukhang walang pakeelam sa narinig. Ako lang ba ang hindi maganda ang pakiramdam dito? Alright, ako pala ang nakagawa ng kasalanan. Sinanggi naman ako ni Ace sa tabi ko at mabilis na lumingon sa Reyna. "Uhm, bu-bumagsak po ako sa unang pagsusulit" Nabagsak naman ng halos lahat ng mga High Elders ang kubyertos nila. Maliban sa Reyna, na patuloy lang sa pagkain.

"Pagkatapos?"

"P-Pagkatapos po..nailabas ko po 'yung galit ko kay...kay Tamara at--"

"Tumalsik siya sa hallway dahil sa inilabas nitong tubig." Napatingin naman ako kay na Red sumingit. Talaga bang pinaglihi 'to bubuyog at bigla-bigla nalang magsasalita?

Crystal High Academy Where stories live. Discover now