Pantasya 10> The Mystic Land

102 2 0
                                    

Pantasya 10> The Mystic Land

~*-

Ashley Heartifillia's PoV

"Mahal kong Reyna!! Patawarin ninyo ako!!" Pagmamakaawa ni Pia habang nakaluhod.

"Lapastangan! Ang akala ko pa nama'y magaling ka! Pero sinasayang mo lang ang oras ko!" Sigaw ng Reyna habang galit na galit na nakatingin sa kanya. "Iisa lamang ako roon, Mahal na Reyna! Pinagtulungan nila akong apat! At isa pa, naroon ang may hawak ng Breeze Aiross at Aqua Crystal! Kaya paano ako mananalo laban sa kanila?!" Natigil naman ako sa pag-aayos ng aking red blood crown at natuon ang atensyon ko kay Pia.

"Sinasabi mo bang natalo ka lamang ng isang tubig at hangin? Paano ka nila napatay?" Mahinahon kong tanong. Pero sa loob-loob ko ay nagagalit na ako marahil hindi man lang niya napatumba ang Aqua Crystal na iyon.

"May isinaksak siya sa'kin na babasaging salamin! Hi-Hindi ko alam kung..kung saan niya nakuha iy--"

"Tumigil ka na sa walang kwenta mong paliwanag." Bulong ng Reyna at napatahimik niya naman ito. Kapag mahinahon na ang aking Ina, magtaka ka na.

Muling umiyak si Pia sa nalalapit na niyang katapusan. "Maawa kayo sa akin, Mahal na Reyna! Bigyan niyo pa po ako ng isa pang pagkakataon na--" Queen cut her off.

"Pagkakataon na sisirain mong muli." Umiling-iling naman si Pia. "Hindi po! Hindi ko po sisirain ang tiwala ninyo! Mahal kong Reyna--"

"Nakakalimutan mo na ba kung nasaan ka? Pinili mong pumunta sa ilalim ng aking Kadiliman na hindi alam ang salitang 'awa'. Kaya paano kita patatawarin gayung nagkamali ka na?" Muli na namang humagulgol sa harap namin si Pia. "Mahal na Reyna! Patawarin niyo po ako!!"

"Ang pagtitiwala ay ang magdadala sa'yo patungo sa kadiliman. Tch, tch, tch..kawawa ka naman, Mahal kong Pia.." Naglakad ang Mahal na Reyna papunta sa kinaroroonan nang nakaluhod na si Pia. Hinawakan niya ang basa nitong mukha at hinarap sa kanya.

"Patatawarin lang kita kung didilaan mo ang paa ko." Nakangiting demonyo naman na sabi ng Reyna. Hindi ko na pinanood pa ang pagluhod ni Pia at ipinikit ang mga mata ko bago ko pa makita ang nakakadiring ginawa niya. Hindi ko alam na pati rin pala ang mga ibang immortal ay tanga-tanga rin at wala pang walang silbi.

Humalakhak naman si Ina matapos tumalikod kay Pia at bumalik sa kanyang trono. Lumingon sa'kin si Ina at tinanguan ako. Muli na naman siyang humalakhak. Nakangiti ko namang hinarap ang takot na takot na si Pia. Pumunta ako sa kinaroroonan niya at unti-unti naman siyang napaatras at nagsisigaw.

"Mahal kong Prinsesa! Maawa ka! Huwag--Ahhhhhhhhhh!!!!!!" Matalim ko siyang tinignan habang nakangiting pinanonood siyang nasusunog nang buhay. Tumingin ako sa isa sa mga High Elders. "Avick Mae" Tumango naman si Mae at pumwesto sa tabi ko. Lumabas ang maiitim na likido sa kanyang mga kamay at hinayaan ko siyang tunawin ang sumisigaw na si Pia.

Muli kong narinig ang halakhak nang aking Ina. Bumaling ako sa kanya at binigyan siya ng matamis na ngiti. Pumunta agad ako sa kanyang tabi. "Itapon niyo na ang mga abong iyan sa palasyo" Utos ko at tumango naman ang dalawang kawal bago kumuha ng sako at doon nilagay ang mga labi ni Pia bago lumabas.

Bumaling ako kay Ina na tahimik at tila malalim ang iniisip. "Mahal kong Reyna, napagalaman namin kung saan nag-aaral ang nagmamay-ari ng The Mystic Land" Bigla namang napalingon sa'kin ang aking Ina at hindi na ako nagatubili pang magsalita. "Sa Evrybylle" Sagot ko.

"Sa Evrybylle, kung saan nag-aaral rin ang nagmamay-ari ng The Aqua Crystal, na si Monica" Pagpapatuloy naman ni Rougssey. "Sigurado akong alam narin ng Light Side ang tungkol sa kanya.. Kinailangan natin silang maunahan bago pa nila makuha ang Mystic Land" Wika ng Reyna.

Crystal High Academy Where stories live. Discover now