Pantasya 21> Two Days in The World of Humans/The Fifth Glass

54 2 0
                                    

Pantasya 21> Two Days in The World of Humans (part 3)/The Fifth Glass

~*-

3rd Person's PoV

Walang kamalay-malay sina Monica na palihim na sinugod nila Ashley, kasama ang tatlo niyang generals na si Mae, Niah at Victoria at si Rougssey ang Light Side na kasalukuyang natutulog at nagpapahinga ang lahat.

Una nilang pinuntirya ay ang pagsunog sa mga tirahan ng mga taga-Alium Velvet. Mabilis itong kumalat at halos magkadawala at magkagulo ang mga ito habang lumalabas at sumisigaw sa kani-kanilang pamamahay. Mabilis itong nabatid ni Hirükk Judea, at agad na ipinaalam sa Reyna.

Naguguluhan man ay kaagad pinatawag ng Reyna ang lahat ng High Elders at dali-daling lumabas ng palasyo. Bumungad sa kanila ang mga nasusunog na tahanan at ang babaeng nakangiti na nasa gitna.

Tinignan niya ang nananalisik nitong pulang mga mata na nakatingin sa kanya. Walang ibang naramdaman ang Reyna kundi galit, ngayon niya lamang ito naramdaman matapos ang ilang taong pagkawala ng kanyang anak, hindi niya aakalain na susunugin lamang ni Ashley ang lahat ng kanyang pinaghirapan na Mundong Kabutihan na ipinasa sa kanya ng kanyang Ina.

Dali-dali siyang umabante at hinarap si Ashley. "Ano na naman bang pakay mo? Huwag na huwag kang mangdadamay ng mga inosenteng mga taga-Alium Velvet!" Sigaw sa kanya ng Reyna pero sa halip ay hindi iyon pinansin ni Ashley.

"Nagkita na naman tayong muli, Mahal na prinsesa. Nasaan sina Monica? Mukhang hindi niya kasama sina John Phil at Ace.", Wika nito.

"Anong pakay mo sa kanila? Nasa misyon sila upang makuha ang 5th glass." Sagot ni Reyna Alliyah na ngayon ay mahinahon na.

"Hindi sa lahat ng pagkakataon ay makukuha lang nila ang glass basta-basta. Kaya may ipinadala rin kami upang makatapat sila.", Tugon ni Ashley.

"Kayang-kaya nilang mapabagsak kayo, Ashley. Dahil mayroon akong malakas na tiwala na sila mismo ang wawasak sa buo niyong angkan na mag-ina.", Desididong sinabi ng Reyna.

"Bago pa nila mawasak ang angkan ng aking Ina ay mauunahan na namin kayong makuha ang The Magical Crystal." Ashley said and smiled. Sumingit na si Red sa usapan bago pa man may mamuong labanan sa pagitan ng dalawa.

"Bakit kayo naparito?" Tanong nito.

Lumingon si Ashley dito at tumingin sa mga mata nito. "Para makuha ang lahat ng glass. Kung hindi niyo ibibigay, mapipilitan kaming patayin kayong lahat. Binalaan na kayo noon ni Victoria, siguro naman ay ito na ang panahon para makuha namin ang ninanais namin..." Sagot nito at makahulugang ngumiti.

"Sino naman kami para pumayag sa gusto ninyong mangyari? Pasensya na ngunit hindi ako makakapayag bilang Reyna ng palasyong Pantasya na ito, narito kayo sa aking teritoryo kaya wala kayong karapatan na utusan kami na isuko na lamang ang glass na pinaghirapang makuha ng mga High Elders ko. Wala kaming magagawa kundi pigilan kayo sa inyong binabalak, mamamatay muna kami bago niyo makuha ang inyong gusto!" Wika ni Reyna Alliyah na ikinatawa lang ng prinsesa ng Kadiliman.

"Hindi ko aakalain na ang isang Reynang katulad mo ay handang isuko ang buhay niya para lamang pigilan ang kasamaan. Gusto ko 'yan" Ashley said and winked at her.

"Mas mabuti na ang may Reynang ginagawa hindi tulad ng iyong Ina na walang magawa kundi maupo lamang sa kanyang trono at utusan ang anak niyang makipaglaban. Mukhang wala siyang pakeelam kung mamatay ka sa mga kamay ko.", Mahinahon na sabi nito at napawi naman ang mga ngiti sa labi ni Ashley ngunit mabilis itong bumalik.

Crystal High Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon