Pantasya 37> The Three Kingdoms

36 1 0
                                    

Pantasya 37> The Three Kingdoms

~*-

Monica Ariel's PoV

Naalimpungatan akong bumangon sa malambot na kama bago napahikab.

Napamura ko sa sakit ng pangangatawan ko na natamo ko kahapon. Inobserbahan kasi nina Treah at Mr. Kent ang pakikipaglaban ko kay Teacher Macey para daw malaman nila kung bakit hindi ko makontrol ang kapangyarihan ko.

Kaya nga lang, hanggang magdamag nila akong pinagod at mukhang gusto nilang ubusin ang pasensya ko pero kahit papaano nakakapagtimpi ako ng maayos. Sa huli, dismayado sina Mr. Kent dahil hindi man lang nila nakita ang malakas na ibubuga ng kapangyarihan ko.

Like duh, sobrang sakit ng katawan ko dahil sa kanila, hindi man lang ba nila naisip 'yon?!

But they found out na may mali sa pagkatao ko bilang immortal.

Tatlong beses ko na raw naover-used ang kapangyarihan ko kaya bigla silang na-curious kung bakit parang hindi naman ako nanghihina. Maybe may kinalaman 'yung pagkatao ko bilang mortal pero hindi nila 'yun pinansin at iba nalang ang pinagtuonan ng pansin.

Tss, bahala sila.

Pero napaisip ako, they're right. Noong naover-used nga ng Reyna ang kapangyarihan niya noon ang tindi ng pagkahina niya, pero bakit sa'kin hindi? What's wrong with me?

Sa sobrang curious ko, gusto ko na agad malaman kung anong meron sa'kin. Nagmamadali akong magbihis matapos maligo, hindi na ako nagabala pang um-attend sa pagtitipon upang mag-almusal at dumiretso sa silid-aklatan, or should I say, laboratory nila Mr. Kent?

Hindi na agad ako kumatok at marahas na binuksan ang pintuan.

"Mister--shit!"

Napaiwas ako bigla nang biglang sumalubong si ipis na lumilipad lipad pa habang may hawak na maliit na syringe.

Can someone explain me kung paano niya napaliit ang bagay na 'yon?

"Oh, ikaw pala 'yan Monica?" Nakangiti pa nitong bati.

"Yes ofcourse, it's me. Sino pa bang dapat mong asahan?" Pagtataray ko at walang pasabing pumasok sa loob at naupo sa isang upuan. Binati rin ako ni Mr. Cruz at simpleng tango lang ang sagot ko sa kanya.

"Hindi ko kasi inaasahan na bibisitahin mo ako dito. May problema ba sa aso mong si Luna?"

"First of all, hindi tungkol kay Luna ang ipinunta ko dito, okay?" Panimula ko.

Halos mangasim naman ang mukha ko nang makitang napakunot ang noo ng ipis. May noo pala ito? Nakakasukang tignan.

"Bakit ka narito? Para ba kamustahin kami ni Mr. Cruz?" Napatingin naman ako saglit kay Mr. Cruz na nginangatngat ang isang maliit na cheese. Saan naman niya nakuha 'yun?

"Not that, either. I'm here para kamusthin kung anong kondisyon ko." Wika ko na ikinawala ng mga ngiti niya. Inayos niya saglit ang maliit niyang salamin bago bumaba sa pagkakalipad.

"Sa ngayon hindi parin namin matuklasan kung anong meron ang kapangyarihan mo. Pero mayroon naman kaming isang paraan para malaman ito." Napataas naman ang kilay ko sa narinig.

"And what is that?"

"Sa totoo lang hindi pa ito ang tamang panahon para malaman mo ito dahil hindi rin kami sigurado ni Mr. Cruz sa gagawin namin sa'yo." Ako naman ngayon ang napakunot ang noo sa sinabi niya.

"Bakit? Ano bang mangyayari kung gawin niyo 'yung 'paraan' na 'yon?"
Takhang tanong ko.

"Dahil malaki ang tsansa na mawalan ka ng kapangyarihan."

Crystal High Academy Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang