Pantasya 15> The Vampire Prince

80 3 0
                                    

Pantasya 15> The Vampire Prince

~*-

Monica Ariel's PoV

"Ano bang problema, Nicnic? Kausapin mo naman ako--" Pumiglas ako sa kamay ni John Phil na hahawak sa braso ko. Nagsi-alisan naman ang mga High Elders maging si Reyna Alliyah kasama sina Tamara at Ace. Kaming dalawa nalang ni John Phil ang nasa labas ng palasyo.

"Problema? Ang problema ay 'yung pinatay mo si Austin!" Bulyaw ko. "Ginawa ko 'yun para sa'yo! Sinaktan ka niya Nicnic--"

"Wala akong pakeelam! Dapat hindi mo na ginawa 'yun! Dapat hinayaan mo na siya, John Phil. And can't you please stop calling me Nicnic? Monica ang pangalan ko, pwede ba!", Muli akong naglakad ngunit pinigilan niya na naman ako. "Ano bang problema, Monica? Pinatay ko si Austin dahil sa'yo, ano gusto mong hayaan ko siyang panain ka hanggang sa mamatay ka--"

"Ayaw na ayaw ko sa mga mamamatay tao na kagaya mo!" Sigaw ko na nakapagpatahimik sa kanya. "You know what? Pareho lang kayo ng mga High Elders dito! Pumapatay kayo ng tao! I hate you! I hate this! At alam kong wala akong karapatan na magalit dahil hinahayaan ko lang rin naman sila na pumatay ng taong makasalanan sa harap ko! Alright, we're all evils! Wala tayong pinagkaiba sa mga taga-Dark side!" Inis akong napasabunot sa buhok ko. GODDAMN! I hate how stupid of me, naiinis ako sa sarili ko, palagi nalang bang ganito? Na may namamatay sa harapan ko? At pagkatapos magagalit ako?! Ano namang karapatan ko?

"Monica.." Kumalma naman agad ako at hinarap siya. "Look, I'm sorry, masakit lang kasing isipin na.. Na may namamatay ng dahil sa'kin, si Kiana..si Austin....and even my sister...Hindi ko lang matanggap na pinatay sila sa harapan ko at wala akong nagawa para lang mailigtas sila sa huli nilang paghinga..." Napayuko ako at pinigilan ang umiyak. Naramdaman kong lumapit sa'kin si John Phil at niyakap ako ng mahigpit. Somehow, He make me feel comfortable, lahat ng inis ko na kanina ko lang dinadamdam sa kanya, bigla nalang naglaho.. At ang yakap na binigay niya ang mas lalong nagpakalma sa'kin. Napapikit ako at naalala ang alaala na hindi ko kailanman matanggap at makalimutan.

*flashback*

(A/N: 12 years old pa lamang po si Monica dito)

"Ate, do you love me?" I turned my gaze to Lily, ang nakababata kong kapatid. I smiled at ginulo ang buhok niya. "Ofcourse, I do.", I answered. Inayusan niya ng buhok ang barbie doll sa harap ko. "You know what Ate, you look like my barbie doll na si Camille.." Inilapag ko naman ang barbie doll na hawak ko sa sahig bago siya lingunin. "Why, Lily?" I asked.

"Because Camille is beautiful like you, Camille si sexy as you. And Camille is always there for me, like you ate... Camille is the best Ate in the world, like you, Ate Monica.", Napangiti naman ako at hinalikan sa noo ang 8 years old na bata na nasa harapan ko. "I love you Ate.."

"I love you too, my little sister.", Wika ko at niyakap siya. "Si Mommy ba hindi niyo love?" Singgit ni Mom at natawa naman kami. "Ofcourse we do, we love you Mom!" Lily said. "Si Daddy ba love niyo rin?" Umakbay si Dad kay Mom at ngumiti naman lalo si Lily. "We love you too, Daddy!"

"Okay, let's go and eat some cookies! Nag-bake si Mommy for us!" Yaya nito at dali-dali naman kaming bumangon ni Lily at hinila ko siya papuntang lamesa. Kumuha kami ng tig-isang cookies at kumain.

"Mmm! I like your cookies Mom!" Komento ko. "Mom's cookies are the best!" Dagdag pa ni Lily. "Not just her cookies but your Mother also, right hon?" Nakangiti namang tumango si Mom kay Dad.

Crystal High Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon