Pantasya 24> Traitor

78 3 0
                                    

Pantasya 24> Traitor

~*-

Monica Ariel's PoV

Nagising ako nang may maramdaman akong dumidila sa mga kamay ko. Natagpuan ko si Luna na kumakahol at dinidilaan muli ang kamay ko. Mabilis akong napabangon at ibinaba siya sa kama. Ugh, seriously Luna? Sa kamay ko pa talaga?

Napatingin ako sa natutulog na si John Phil sa banig. Talagang pinanindigan niya ang pagiging roommate naming dalawa. Kahit sa banig lang siya natutulog, sinabi niya sa'kin na basta raw hangga't nandito siya, wala daw makakapasok dito na gagawa sa'kin ng masama. You find it sweet but it sucks.

Lumabas ako ng kwarto upang maligo at nagbibis narin. Pagkalabas ko, naghihintay pala sa'kin ang aso kong si Luna. Nakangiti ko siyang binuhat at kinarga sa mga braso ko.

Naglakad ako hanggang makalabas ng palasyo. Masyado pa namang maaga para kumain, at isa pa, hindi muna siguro ako papasok sa Academy dahil baka pagbuntungan lamang ako ng galit ni Teacher Macey. I hope she will forgive me.

"Hindi ba siya iyong traydor dito?"

"Oo nga, bakit pa siya nandito? Hindi ba siya pinaalis ng Reyna?"

"Baka naman nage-espiya iyan dito?"

Napatigil ako sa paglalakad nang makarinig ako ng mga taga-Alium Velvet na nakangitin sa'kin habang pinag-uusapan ako.

Tinaasan ko sila ng kilay which made them stop at umalis na lang. Sa lahat pa naman ng ayoko iyong pinag-uusapan ako sa harap ko man o sa likod. I rolled my eyes at iniripan nalang sila.

"Siya ang nagmamay-ari ng Aqua Crystal di ba? Bakit siya naging traydor?"

"Kaya nga, sayang pa naman ang taas ng ranggo niya dito."

"Halos magalit si Macey kahapon nang makita siya! Siya pa raw ang pumatay sa anak niyang si Triztan!"

"Oo nga halos hindi ko makitang ganoon magalit ang guro nila! Nakakatakot! Dapat siguro ikulong nalang muna iyan!"

"Sang-ayon ako dyan."

Hindi ko na napigilan na harapin ang apat na nag-uusap patungkol sa'kin.

Ibinaba ko muna si Luna at saka humalukipkip sa harapan nila. "Ang aga-aga puro matatabas ang dila ang bumubungad sa akin. Nakakasira tuloy ng araw.." Pagpaparinig ko na ikinatahimik nilang apat.

"Marami na talaga ang naniniwala ngayon sa mga sabi-sabi kaysa sa nakikita. How pathetic" Wika ko bago sila taasan ng kilay.

"Kami ba ang pinatatamaan mo?" Tanong ng babae sa dulo nila. "Oh? May sinabi ba ako? Hah, don't tell me natatamaan kayo? Kung natamaan man kayo, isa lang ang masasabi ko. You're all a coward." Wika ko na ipinagtaka nila.

"Coward?"

"Alam mo ba ang ibig-sabihin nun?"

Tila hindi sila nakakaintindi ng english. Oh well, shame on them.

"Mauuna na ako. Oh, I forgot, hindi ako traydor. Mas lalo nang hindi ako ang pumatay kay Triztan. For Peter's Sake why would I do that? Ako mismo ang nagpalaya sa kanya sa loob ng lungga niya and God knows what really happened.", Tinalikuran ko na sila at binuhat si Luna.

"Paano naman kami nakasisiguro na hindi nga ikaw ang traydor?"

"Oo nga, ikaw pa naman ang huling lumabas!"

Crystal High Academy Where stories live. Discover now