Pantasya 27> Mikaela Diana

39 2 0
                                    

Pantasya 27> Mikaela Diana

~*-

Monica Ariel's PoV

Nakatitig ako ngayon sa isang malaking papel na nakapost sa mala-bulletin board ng Academy.

Nakalagay doon ang sunod-sunod na High Elders na ranggo, tulad ng pagsasanay kahapon, inilagay na ni Teacher Macey kung sino ang pinakamalakas sa aming lahat.

---Top 10 list of High Elders' Rank---

10. Marvin Rustorion
9. Red Chridton
8. Hailey Kimble Tim
7. Ysabelle Brigitten
6. Treah Allegre and Casper Resiilyn
5. Dhona Cy and Tamara Hopeson
4. Fritz Mendez
3. Monica Belleventura
2. John Phil Jairobuel
1. Ace Rutherford

---------

Hindi ko napigilang magulat. Hindi ko aakalaing pangatlo ako sa pinakamalakas. Pumapangalawa si John Phil at ang pinakamataas na ranggo ay si Ace. Pumang-apat si Fritz dahil isa siyang bampira.

Samantalang nag-tie si Dhona at Tamara dahil sa hindi nila pagsuko kahapon, nag-tie rin sina Treah at Casper. Sumunod dito si Ysabelle, Hailey, pangsiyam si Red at panghuli si Marvin.

"Nicnic! Congrats! Pangatlo ka!" Bigla akong inakbayan ni John Phil na ikinabigla ko.

Natanaw ko si Tamara na papalapit sa'min kaya agad akong kumalas sa kanya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Huwag mo nga kong akbayan! Nakakadiri ka" Sambit ko sabay halukipkip, natanaw ko ang pagngisi niya bago tumingin rin sa malaking papel na nasa harap namin.

"Mas nakakadiri ka, Nicnic." I rolled my eyes. Hindi ba niya talaga ako tatantanan sa pagtawag sa'kin ng Nicnic? Ang corny kaya ng Nicnic! Tuwing binibigkas niya 'yon ay may naaalala akong powdered milk!

"Uy, binabati ko kayong dalawa, ang taas ng ranggo niyo!" Salubong sa'min ng nakangiting si Tamara.

"Salamat" Sagot ni John Phil dito. Nginitian naman siya ni Tamara bago magsalita. "Walang anuman, John Phil mahal ko! Hihi!" Muli siyang kumapit sa braso nito.

"Ang galing galing mo naman, Ace!"

"Oo nga. Hindi ka parin nagbabago, ikaw parin ang parating uno sa listahan!"

"Ang gwapo-gwapo mo pa!"

Napakunot ang noo ko nang makita ko si Ace na napapaligiran ng mga taga-Alium Velvet na mga babae.

Nakaramdam ako bigla ng inis nang makita siyang nakangiti sa kanila. Nasiyahan pa ang gago. Iniripan ko nalang sila at aalis na sana nang magtama ang tingin namin ni Ace.

Nakaramdam agad ako ng hiya kaya napaiwas ako bigla ng tingin. Ghad, malay ko bang titignan niya ako ng ganun katagal? Napansin kong umalis muna siya sa mga babaeng haliparot na nakapaligid sa kanya at dumiretso sa direksyon ko.

"Hey." Bati niya, showing his annoying smirk. I smirked back.

"Hey, jerk." I mumbled.

"Should I say congratulations? For you making it to top 10?" Wika niya na ikina-offend ko.

Anong akala niya sa'kin, hindi ako makakapasok sa top 10? Na impossible akong maging isang malakas na High Elder?! He even asked a question if he would say congratulations to me?!

Crystal High Academy Where stories live. Discover now