Pantasya 33> Too late

40 2 0
                                    

Pantasya 33> Too late

~*-

Monica Ariel's PoV

Oh God, hindi mapigilan ng sarili ko ang mag-panic. Paano ako kakalma nito!? Baka sa mga oras na 'to, hawak na nila ang mga kaibigan ko! Oh no, anong gagawin nila kina Jen?! Marla!? at kay Rizza!??

Wala na akong oras para ipaalam pa sa Reyna kung anong binabalak ko, ang tanging nasa isip ko nalang ay ang kaligtasan ng mga kaibigan ko. I need to do something!

Nagmadali akong lumabas ng palasyo, pagkababa ko palang, ipinagdikit ko ang dalawa kong index finger at itinutok sa damuhan, ganito ang nakikita ko sa tuwing magpapalabas ang mga High Elders ng light portal at hindi nga ako nagkamali, pagkatapos kong isipin na lumitaw ang portal, bumungad sa'kin ang maliwanag nitong buksanan. I was about to enter nang may humila sa'kin pabalik.

"Ano ba--Tamara?" Bakit siya nandito?

"Anong ginagawa mo dito?! Bakit mo binubuksan ang portal? Hindi mo alam ang ginagawa mo!" Sermon niya sa'kin, maharas akong pumiglas sa kanya pero mas lalo niya lang hinigpitan ang pagkakahawak sa'kin.

"Nasa kapahamakan ang mga kaibigan ko, Tamara! So, let me go! Kukunin na sila ng mga taga-Dark Side!" Sigaw ko at muling pumiglas ulit.

"Ano bang sinasabi mo?! Paano ka ba nakakasiguro na sila ang puntirya ng mga taga-Dark Side?! Alam mo bang mata-track ka nila Mr. Kent at kung nakaligtas ka man sa pagiging traitor noon pero ngayon, sigurado akong hindi na! Pagsususpetsyahan ka narin nila!" Pinandalitan ko siya ng mga mata.

"I don't care! Will you please let me go?! Kapag may nangyaring masama sa mga kaibigan ko, lagot ka sa'kin!" Sumeryoso naman ang mukha ni Tamara, naging kakaiba pala ang itsura niya kapag seryoso siya.

"Pwede bang kumalma ka muna, Monica?! Baka napaparanoid ka lang!" Muli niya akong hinila palayo sa portal habang pumipiglas ako.

"Tamara!! I said let go!!"

"Hindi kita bibitawan hangga't hindi ka kumakalma at kung bakit kailangan mong lumabas!" Sigaw niya pabalik sa'kin. Ugh, I have no choice!

"Tamara, hindi mo magugustuhan ang gagawin ko sa'yo!" Pagbabanta ko.

"Wala akong pakeelam, Monica!" Sigaw niya rin pabalik, sinubukan kong mag-create ng water para palutangin siya pero walang lumalabas na tubig, muli ko itong sinubukan pero wala na namang lumabas. Sinamaan ko si Tamara nang mapagtanto ko kung bakit, she used her power! That's unfair!

"Fine! Natatandaan mo ba ang sinabi ni Lucy noong Masquerade Party? Sinabi niyang nasasabik na siyang makita ang reaksyon ko kung sakaling makita ko kung paano nila pahihirapan ang kaibigan ko! At first, hindi ko siya pinansin dahil wala naman akong kaibigan dito, and then hindi ko naman pala alam na ang mga kaibigan ko sa labas ang tinutukoy niya! They might kill them!" Paliwanag ko at pinigilan ko ang sarili kong umiyak, mukhang naintindihan naman ni Tamara ang sitwasyon ko kaya binitawan na niya ako.

"Naiintindihan na kita, kaya sasama ako sa'yo."

"WHAT?!"

"Kung pagalitan man ikaw, kasama rin ako! Halika na!" Bago pa ako makapag-react sa desisyon niya ay hinila na niya ako papasok sa light portal at ipinunta na kami sa destinasyon namin.

Rizza Naiomi's PoV

Habol ko ang aking hininga kasabay ng pagdilat ko, gusto kong bumangon sa aking kinahihigaan pero naramdaman ko ang buong sakit sa pangangatawan ko kaya muli akong nahiga.

Crystal High Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon