Pantasya 42> Beneath the Cliff

22 0 0
                                    

Monica Ariel's PoV

Sumabay ang ulan sa engrandeng celebration ng pagbalik ni Rizza.

Ang long lost princess.

Hanggang ngayon hindi padin ako makapaniwala, sa tagal ng pinagsamahan namin ng kaibigan ko, ganito pala ang future na naghihintay sa amin.

Sobrang saya ko sa totoo lang, nakakatuwa na natagpuan namin ang prinsesa.

Konting tiis nalang, Monica.

Matatapos na ang misyon ko dito sa Mundong Pantasya.

Habang abala ang lahat sa preparasyon, hindi ko matiis na tignan ang mga Alium Velvet at High Elder na nasa paligid ko.

Hindi ko alam kung ilang araw na akong nandito sa palasyo, pero sa bawat oras na nakasama ko sila hindi ko inaakalang malulungkot ako.

Mahirap din palang bitawan ang Mundong Pantasya

Nasanay akong paglingkuran ang Reyna, nasanay akong makipaglaban sa Dark Side. Nasanay akong protektahan ang mga inosenteng Alium Velvet.

Sumilong ang lahat pansamantala sa loob ng palasyo. Samantalang mas pinili ko dito magpaulan dito sa labas, nakaupo lang ako sa fountain, naghihintay na tumila din ang ulan.

Naramdaman kong may tumakip sa aking itaas, senyales para hindi ko maramdaman ang pagpatak ng mabibigat na tubig. Ang akala ko si Ace o si John Phil o si Tamara, pero hindi ko inaakala ang taong nasa harapan ko ngayon.

"Mahal na Reyna.." Bigkas ko at muli ko na namang nakita ang simple at ngiti niyang mukha.

"Mukhang malalim ang iniisip mo, Monica. Pero dapat mo ding alagaan ang iyong sarili." Gamit niya ang kanyang kapangyarihan, kaya pareho kaming hindi nababasa ng ulan.

"A-anong ginagawa niyo dito? Dapat po kayong pumasok sa loob"

Kahit nagliliwanag ang buwan sa kalangitan, nangingibabaw padin ang kanyang mga mata sa tuwa.

"Wala akong balak na bumalik sa loob, madalas din akong nananatili dito sa labas ng palasyo kapag nag-iisip. Nagkataon na nakita kitang nag-iisa dito. May bumabagabag ba sa'yong isipan?" Hindi siya nagdalawang isip na tabihan ako.

Hindi kami super close ng reyna, kaya medyo awkward na siya mismo ang lumapit sa'kin.

Natawa naman siya nang mabasa niya 'yung iniisip ko. Shit, nakakahiya lalo. Napaiwas ako ng tingin.

"Ituring mo akong ina dito sa palasyo, Monica. Kaya wala ka dapat ikahiya. Matagal ka naman na din dito sa palasyo." Sagot niya habang nakangiti.

Sinubukan kong basahin ang isip niya pero wala akong nababasa.

Napabuntong hininga muna ako bago ko siya tignan. "Hanggang ngayon hindi ko inaakala na kaibigan ko ang nawawalang prinsesa. Naisip ko din na buuin na ang Magical Crystal para makabalik na ako sa dati kong mundo. Naalala ko lang ang mga magulang ko sa Mundo ng mga Tao." Wika ko habang nakatingin sa mga paa ko.

Sa hindi inaasahang pagkakataon, parang tumigil ang oras nang maramdaman ko ang pagyakap ng Reyna sa'kin.

My body went froze. Napatulala ako lalo.

"Salamat, Monica."

Ang malambot niyang boses, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sa pagkabigla.

"Salamat at nakita ko narin ang anak ko." Naramdaman ko ang basa ng aking damit at ang paghikbi niya sa aking balikat.

Wala sa sariling iniangat ko ang mga kamay ko at niyakap siya pabalik.

Crystal High Academy Where stories live. Discover now