Pantasya 13> New Pets

85 3 0
                                    

Pantasya 13> New Pets

~*-

Monica Ariel's PoV

"Kiana, gumising ka! Kianaa!!!" Shocks! Hindi pwedeng may mawawala sa'min!!

Naramdaman kong tumabi si Tamara at John Phil sa tabi ko. "Anong nangyare?"

"Si Kiana...si Kiana, nakita ko na tinunaw siya..tinunaw siya!" Mangiyak-ngiyak kong tugon habang hinahawakan ang puting abo.

Bigla na lamang nagsigising ang lahat at dali-daling pumunta dito. "Kailangan na natin magmadali, hinihintay na tayo ng Mahal na Reyna!" Singgit ni Ysabelle. "Pero papaano si Kiana?" Tanong ni John Phil. Parang nabara ang lalamunan ko at walang ganang magsalita.. Malumanay ko lang tinitignan ang abo ni Kiana sa harapan ko.

"Ilagay na lamang muna siya pansamantala sa baul.." Sagot sa kanya ni Louise. Dali-dali namang tumabi si Casper sa tabi ko at inilagay ang mga abo sa baul. Hindi ko na tinanong pa kung saan niya kinuha 'yun. Tumayo na ako at agad naman akong inalalayan ni John Phil at pumasok na kami sa light portal na inihanda ni Ace.

~*-

Ashley Heartifillia's PoV

"Hahahahahaha... Magaling, Mae..hindi talaga ako nagkamali para sa'yo.." Muling humalakhak si Reyna sa harap ng isa kong mga generals, na si Mae. Ngumiti naman si Mae kasama sina Austin, Jasmin at Rougssey. "Nakaganti narin tayo sa wakas..siguro naman, mapapansin na tayo ng aking kapatid..", Tumayo si Ina sa kanyang trono at inilibot ang bawat sulok ng palasyo.

"Sabik na sabik na akong makita ang aking kapatid na si Alliyah, subalit masyado pang maaga.. Dahil nagsisimula palang ang Kadiliman.." Muli na naman siyang humalakhak. "Mahal na Reyna, nakuha na naman ng mga taga-Light Side ang glass piece of The Magical Crystal.." Wika ko.

"Marami pa namang mga glass pieces sa paligid..at sigurado akong may makukuha rin tayo.. Ang importante na lamang ngayon, ay may napatay tayong isa sa mga High Elders nila. Nararamdaman ko na ang kanilang galit sa puso. Hahahaha, maghanda na lamang tayo dahil paniguradong si Austin na ang isusunod nila.", Nagulat naman si Austin at napatayo. "Pa-Paano niyo nasabi?"

"Dahil alam ko.. Maghanda bilang proteksyon sa kanya, sigurado ako sa desisyon ko.", Wika nang Reyna.

Lumabas na kami ng palasyo at dumiretso naman ako sa aking kwarto.

Muling nagising ang aking kapatid at dali-dali siyang lumapit papunta sa'kin. "Mahal kong Dreavarra, kamusta ka na?" Tanong ko. Hinipo ko ang ulo ng nag-iisa kong dragon at malambing naman siyang dumila sa kamay ko. "Kumain ka na ba?" Hinayaan ko siyang humiga sa aking kwarto.. Umupo ako sa kanyang tabi at hinimas-himas ang kanyang ulo.

"Lagi mong tatandaan na hindi tayo maaaring mamatay, Dreavarra, lalo na't nasa atin ang tatlong glass pieces.. Naiintindihan mo?" Bahagya namang tumango si Dreavarra at muling nahiga sa lap ko. Napangiti ako sa ginawa niya.. "Good girl.." Hinimas-himas kong muli siya.

~*-

Monica Ariel's PoV

Buhat-buhat ni Tamara ang baul at naglalakad kami papunta sa kwarto ng Reyna. Pinagbuksan kami ng pintuan ng mga kawal at bumungad sa'min ang malungkot na mukha ng Reyna kasama si Teacher Macey.

"Mahal na Reyna! Kinailangang magamot ni Kiana, hindi siya pupwedeng mawala!" Wika ko. Nagmamadali akong lumapit sa nakayukong si Treah at inalog-alog ang kanyang balikat. "Treah, tulungan mo kami, hindi ba nakakagaling ka? Anong nangyare kay Kiana sabihin mo sa'kin!" Mangiyak-ngiyak kong sigaw sa kanya. Hindi ko kakayanin na may mamatay nang dahil sa'kin.

Crystal High Academy Where stories live. Discover now