Pantasya 19> Two Days in The World of Humans

67 2 0
                                    

Pantasya 19> Two Days in The World of Humans (part 1)

~*-

Monica Ariel's PoV

"Nicnic! Nicnic gising!!!" Naramdaman kong may umaalog sa akin. Nanatili akong nakapikit habang nakayakap sa unan ko.

"Nicnic, gisiiiiiing!" Muli ay mas lalong yumugyog ang katawan ko kaya tinalikuran ko si John Phil.

"Come on, masyado pang maaga.." Bulong ko. Nagpuyat ako kagabi dahil nga sa nangyare at nagpalit pa ako.

"Nicnic! Tsk!" Biglang tumigil ang panggigising ni John Phil sa'kin kaya napangiti ako. Thank God, wala ng manggigising sakin!

"Ayaw mo ah.."

Hindi nagtagal ay binuklat ko ang mga mata ko at nanlaki ang mga mata ko nang makitang hahalikan na dapat ako ni John Phil sa labi. Shit! Mabilis ko siyang tinulak at bumangon.

"Yuck! What the hell, John Phil?! Nakakadiri ka!!" Bulyaw ko. Mabuti nalang at naisipan kong ibuklat ang mga mata ko, kung hindi, I'm doomed!

"Mas nakakadiri ka, Nicnic!" He winked at me. Ugh! I hate him!!

Tinulak-tulak ko pa siya para makalayo. "Bakit ba kasi ang aga-aga ginigising mo ko?!" Inis kong sigaw sa kanya. "Uhh--ti..tinagusan ka, Nicnic.", Ilang segundo rin ang lumipas bago nagsink in sa utak ko ang sinabi niya. Oh no!

Napatingin ako sa bedsheet ng kama.

Wtf!!!

***

"Kamusta ang misyon niyo kahapon?" Tanong ko kay John Phil habang naglalakad kami papunta sa kwarto ng Mahal na Reyna. Nandito kami ngayon sa pasilyo kasabay ng mga Alium Velvet na sumasalubong at binabati kami.

"Ayos lang naman. Napatay namin si Xaiver at nakuha namin ang 4th glass." Sagot niya. "Sino si Xaiver? 'Yun ba 'yung principal?" Tanong ko ulit.

"Hindi ah! Taga-Dark Side siya at may kapangyarihan na elasticity, alam mo na, daig pa ang goma sa sobrang lambot ng katawan.", Wika nito. Tumango naman ako.

"Ahhh. buti pa kayo, nakapagadventure." I said.

"Why? Kayo rin kaya, Nicnic! Natakasan daw kayo ni Victoria? 'Yung mang-aakit na babae?" I nodded. "Yup. Pero saglit lang 'yun kasi binalaan lang naman daw niya kami at wala siyang balak makipagpatayan sa'ki--"

"ANO?! binalaan? Alam ba ng Reyna 'to?" Umiling naman ako. "Hindi--"

"Dapat sinabi mo sa'kin Nicnic! At baka mabugbog ko siya ng tuluyan!!! Sinaktan ka ba niya?! Anong ginawa niya sa'yo!!?" Tinaasan ko siya ng kilay. Ano bang problema niya?

"Wala siyang ginawa sakin, she twisted my arm at hindi naman masyadong lumala ang pilay ko. Kung makapag-react ka naman akala mo mapoprotektahan mo ako! Baka nga maakit karin ni Victoria sa sobrang ganda niya, Duh~" I said rolling my eyes.

"Pfft! Nagseselos ang nicnic ko!" What? Ako magseselos? No way!

"Huwag kang mag-alala, kahit maraming babae pa ang mang-akit sa'kin, sa'yo at sa'yo parin ako maaakit, wala ng iba pa!" He winked again. Yuck!!!

"Pwede ba, John Phil! Stop it! Nakakadiri ka!"

"Mas nakakadiri ka, Nicnic! Pfft!!"

***

Inilapag naman ni Reyna Alliyah sa harapan namin ang papel sa lamesa na may litrato ng isang batang lalaki at nakangiti.

"Ang pangalan niya ay si Andrew Hendrez, 17 taong gulang, isa siyang manloloko ng tao upang makakuha ng pera. Ang huling naloko niya ay isang miyembro ng tinatawag nilang gobyerno, na halos makuha niya ang 18 milyong pera.", Nanlaki naman ang mata ko sa narinig. Seriously?

Crystal High Academy Where stories live. Discover now