Pantasya 44> Inlove?

15 1 0
                                    

Monica Ariel's PoV

"So how are we going to get the crystal in this public place?" Wika ni Rizza habang pinagmamasdan namin mula sa balcony ang lifeguard na si Heather, prenteng nakaupo sa mataas na upuan sa beach habang pinagmamasdan ang mga taong lumalangoy sa dagat.

"We need to distract her first, or become a victim so she can be with us nang walang nakakapansin. We have to be careful since humans shouldn't be aware of our identities." Panimula ni Ace.

"Kailangan natin ng lugar kung saan malinis at walang makakakita sa pagkuha natin ng crystal." Sambit ni Tamara. Napapitik naman si John Phil sa daliri at may itinuro sa brochure ng beach resort.

"Pwede itong pool na tago oh. Malapit sa gubat. Walang masyadong tao ang pupunta dito dahil temporary closed." Napalapit naman sila kay John Phil para tignan ang tinuro niya.

"Tama ka John Phil, magiging malinis ang pagkuha natin ng crystal kapag dito sa lugar natin ginawa." Dugtong pa ni Tamara

"But paano naman natin makukumbinsi ang assassin dito knowing she knew it was closed?" Singit ni Rizza na umiinom pa ng lemon juice. Napalingon din ako kay Ace dahil meron pang ibang bagay na gumugulo sa isip ko.

"Hindi din magtatagal ay malalaman din ng dark side na nandito tayo para kunin ang 8th glass. So we have to act quickly." Sabi pa niya. Napalingon naman sa'min si Ace at mukhang kumpyansa siya sa magiging sagot niya sa mga tanong namin.

"I have a better idea. For now, in order to make this plan successful.. we have to act normally first."

Lumapit naman sila kay Ace nang magsimula siyang magdiscuss ng plano.

Muli ako napatitig kay Rizza, is she really serious about what we talked about earlier? I am not scared of her, I am worried that something has changed.

Nagbago ang kaibigan ko.

Everything is fine magmula noon pero simula nang madakip siya ng Dark Side, may mga ugali siya na nagbabago.

I was trying to convinced myself na dahil lang iyon sa itim na kapangyarihan, pero hindi lang 'yon. Kahit wala man sa kanya ang itim na kapangyarihan nagiba padin ang kaibigan ko.

Tumingin siya sakin saglit but I managed to block my mind to stop her from reading. Napasimangot siya saglit at muling ngumiti nang lumingon sa'min si Ace. The way she changed her emotions was really fast.

Wala akong marinig sa paligid, nakalingon lang ako kay Tamara at parang piping nakikinig sa pagbuka ng mga bibig nila.

"Para naman sa paparating na dark side, ibinigay natin ang task na 'yon kina Red..while all of us are going to get the 8th glass from Heather." Banggit ni Ace sa amin at napatango naman silang lahat.

"Let's get ready" Napatango ang lahat at naghanda na sa kani-kanilang gawain. Para lang akong tanga na sumunod sa kanila nang mapansin ako ni Ace at lumapit sa'kin.

"Hey, what's wrong?" Hindi ko siya tinignan sa mata at sa halip ay napatingin kay Rizza na masama ang tingin sa'kin.

Pinilit kong ngumiti at umiling sa kanya. "Wala, magreready pa ko" Alam kong hindi siya nakumbinsi sa mga sinabi ko kaya bago pa siya makapagreklamo ay umalis na agad ako sa harap nila.

***

Kahit naguguluhan I managed to act like everything's okay as we all prepared for the 8th glass. Since mamayang gabi pa naman ang plano kailangan namin ma-monitor ang target and also to prevent Heather from knowing.

Kasama ko si Tamara na nakaupo sa sand at nagmo-monitor sa lifeguard habang ang mga kasama naman namin ay nagtatampisaw sa dagat.

"Alam mo Monica, never pa akong nakapunta dito sa dagat. Palagi lamang ako nanatili sa bahay noong narito pa ako sa mundo ninyo. Nakakulong lagi para hindi mahusgahan ng tao." Wika niya habang nakangiting pinagmamasdan sina Red at John Phil na naglulunuran sa dagat.

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 21, 2023 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Crystal High Academy Where stories live. Discover now