Pantasya 23> The Queen of Darkness

71 4 0
                                    

Pantasya 23> The Queen of Darkness

~*-

Monica Ariel's PoV

Hindi ko alam kung paano kami nakapasok sa Mundo ng Kadiliman, maybe because of Mr. Kent's invention or whatever pero isa lang ang masasabi mo sa palasyo nila.

Creepy.

Sobra.

Halos maituring mo na itong Haunted Mansion sa sobrang creepy. Daig pa nito ang Kaharian ni Hades. Halos manginig ang mga tuhod ko pero nanatili akong kalmado. Kailangan maipakita ko sa kanila na matapang parin ako kahit na halos mahulog ako sa kinatatayuan ko nang makita ang madilim at nakakatakot nilang palasyo.

Yeah, girls.

Like me, we are good in pretending we're okay even if we're not.

"Sa unahan kami ni Ysabelle papasok" Biglaang sabi ni Hailey.

"Kami nalang ni Monica sa likod ng palasyo nila.", Singit ni Tamara sabay akbay sa'kin. Tinapik ko naman ang kamay niya dahilan para ibaba niya ang kanyang kamay.

"Ako muna ang magsisilbing bantay ninyo. Kung sakaling tumigil ang oras, kinakailangan ko ng tulong ninyo as a signal. Nagkakaintindihan ba tayo?" Tanong ni Dhona at sumang-ayon naman kaming lahat. Kahit na hamon sa amin ito ni Macey, we're still working as a team. Kinailangan naming mabuhay at makuha sina Triztan.

"Magpapaulan kami ni Tamara kung sakaling may mangyareng masama sa amin.", Sagot ko as a signal narin. Tumango naman sila bago bumaling kay Ysabelle at Hailey

"Kami naman, kapag nakarinig kayo ng sipol ko." Wika ni Hailey. Nagsuot na kami ng mga maskara at sinuot ko ang kulay half light blue mask na may black glitters. Tanging ang mga mata ko lang ang natatakpan kaya nag-umpisa na kami ni Tamara na pumuntang likuran ng palasyo.

Pagkabukas ng pintuan, nagulat ang mga kawal sa pagdating namin. Agad silang pinatama ng latigo ni Tamara kaya natumba ang mga ito. Dahan-dahan kaming pumasok at naabutan namin ang tatlong kawal. Mabilis silang sumugod sa amin. Dali-dali kong sinipa sa tyan ang isa habang sinapak ko naman sa mukha ang kabila. Mabilis akong umilag sa papalapit na sibat at itinusok ito pabalik sa kanila.

Lumingon ako kay Tamara na pinatumba narin ang kawal sa harapan niya. Nagpatuloy kami sa paglalakad at naabutan namin ang dalawang lagusan. Nagkatinginan naman kami ni Tamara saglit. "Gusto mo bang maghiwalay tayo?" She asked and I nodded.

"Dito ako sa kaliwa, ikaw sa kanan. Puntahan natin ang isa't-isa kapag kailangan natin ng tulong, okay?" Tumango naman siya bago tumungo sa kanan na lagusan habang ako naman ay sa kaliwa.

Mayroong isang kawal na bumungad sa'kin kaya mabilis kong kinuha ang knife at sinaksak siya. Pagkatumba niya, nagpatuloy ako sa paglalakad at nadaanan ang mga kwarto.

Sinubukan kong buksan ang isa at bumungad sa'kin ang nakakatakot na loob, tulad sa palasyo, mayroon din palang mga kwarto dito. Isinara ko ito at bubuksan na sana ang isang kwarto nang bigla itong bumukas at iniluwa niyon si Alessandra na kausap si Jasmin.

"Anong ginagawa mo dito?!" Bago pa man sila makaatake ay mabilis ko silang sinipa at ibinato sa kanila ang vase na nahawakan ko. Ginawa iyong yelo ni Jasmin at ibinato sa akin ngunit nakailag kaagad ako.

Unang sumugod ay si Alessandra at nagpakawala ng sand pero mabilis naman 'yun nawala nang nagform ako ng water balls at ipinatalsik siya sa dulo. I got my gun at tinamaan siya sa braso which made her shout.

Galit na galit na sumugod sa'kin si Jasmin at nagpakawala ng ice spikes at nailagan ko naman ang mga iyon.

"Argh!!" Sigaw ko nang natamaan ang leeg ko. Inalis ko 'yun at muling ibinato kay Jasmin at kasabay ng pag-ilag niya ay ang pagtapat ko sa kanya ng baril at nagpakawala ng bala.

Crystal High Academy Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang