Pantasya 32> Danger

50 2 0
                                    

Pantasya 32> Danger

~*-

Monica Ariel's PoV

Sa nangyare ngayong araw, feeling ko hindi ako nakatulog. Oh no, actually, hindi talaga ako natulog dahil sa nangyare kagabi, hindi nga umuwi si John Phil eh, malay ko ba sa kanya kung saan man siya nagpunta, pero nakakapanibago lang kasi palagi naman siyang natutulog sa kwarto ko pero ngayon ni hindi man lang siya sumulpot.

Pero mas okay na 'yun kasi hindi niya nakita 'yung biglaang paghalik ni Ace sa akin. Ano kayang itsura ko kapag nagkita na kami! Siguradong nakakahiya!

Napahawak muli ako sa mga labi ko.

Ang lambot ng labi ni Ace, wait--bakit ba napakalandi ko!?

Kung tutuusin dapat galit ako sa kanya dahil sa ginawa niya! Oo tama, lalo na't sinampal ko siya, tama! Dapat lang sa kanya 'yun!!!

"I like you.."

Napapikit ako, naalala ko na naman ang sinabi niya kagabi. Talaga nga bang gusto niya ako? Talaga bang umabot pa sa puntong hinalikan niya talaga ako para lang patunayan niyang gusto niya ako?! Ugh!

Nakakainis siya! Humanda talaga siya kapag nagkita kami, babalatan ko siya ng buhay!!! Bibigyan ko siya ng sandaan na shark sa kwarto niya! Tignan ko lang kung hindi pa siya matakot!

"Kapag ba may gusto ka sa isang tao kailangan may patunayan ka pa para lang maniwala ka?"

Naalala ko na naman ang mga sinabi niya kagabi. Ano bang nakain ko!? Wala akong natatandaan may kinain ako kagabi dahil sa nangyare, ugh!

"Oy, gising ka na pala, hindi ka nagsasabi.", Muntik na kong mawalan ng hininga nang biglang sumulpot sa harapan ko ang nakabusangot na mukha ni Casper habang nakatingin sa'kin.

Tinaasan ko siya ng kilay. "Sino ka ba para paalalahanan kita? Alarm clock ka ba? Bakit ka nandito?"

"Ano 'yung alarm clock?" I rolled my eyes. Sa halip na sagutin 'yung tanong ko, nagtanong pa siya. Nakakabored talaga 'tong kausap.

"Kalimutan mo na 'yon. Why are you here?" I repeated. He smirked.

"Pinatatawag tayo ng Reyna, kailangan nating dumalo sa pagtitipon ngayon din." Napakunot naman ang noo ko. At ano namang pag-uusapan namin doon?

"Siguro sa nangyare kagabi, nakalimutan mo na ba?" Bigla naman akong namula nang maalala ko 'yung nangyare kagabi, shocks! Iba 'yung naisip ko. Tinutukoy niya nga pala ay 'yung biglaang dating nila Lucy kagabi.

"O-Ofcourse not. I still remember what happened last night.." Wika ko sabay iwas ng tingin. Oo, tandang-tanda ko parin ang mga nangyare kagabi na to the point na hindi nga ako nakatulog, dilat na dilat ang mga mata ko, hello?!

Sino ba namang hindi makakaalala sa nangyare kagabi, di ba? Ang dami kayang nangyare na hindi ko talaga inaasahan.

"Edi mabuti. Magbihis ka na, hihintayin nalang kita sa labas." Buti pa talaga 'tong si Casper, napakagentleman, hindi tulad ni Ace, na kung saan-saan sumusulpot. Argh, bakit ko ba sila pinagtatambal?! Bago pa siya makalabas ay mabilis ko siyang tinawag, lumingon siya sa'kin at nagtataka akong tinignan.

"Bakit?"

"Nakita mo ba si John Phil?" I asked. Alright, edi ako na ang may pakeelam! Ngumisi naman siya ng nakakaloko.

"Bakit mo hinahanap?" Ugh, I'm sure iba na naman ang nasa loob ng kokote nito. I rolled my eyes on him.

"Hindi kasi siya umuwi kagabi." Sagot ko. Nagtataka ko naman siyang tinignan nang mawala ang mga ngiti nito sa labi at sumeryoso bigla ang mukha niya.

Crystal High Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon