Pantasya 17> The Flame Mistress

78 2 0
                                    

Pantasya 17> The Flame Mistress

~*-

Monica Ariel's PoV

Ghad! What to do?! What to freakin' do?!

Gagawa na sana si Hailey ng light portal para makatakas kami nang biglang masunog 'yun kaya nawala 'yung portal. Napalingon agad ako kay Ashley na nakangiti ng nakakaloko at nakatingin sa'min. "Bakit kayo aalis? Hindi ba mas nakakabastos kung tatakasan niyo lamang kami? Gusto ko kayong hamunin para makipaglaban, tatanggihan niyo ba?" Gosh! I hate this girl, wala siyang karapatan na sunugin ang portal namin!! Argh!

How can we freakin' fight kung wala kaming kalaban-laban?! Masyado silang malakas! At isa pa, kinakailangan naming protektahan ang Mahal na Reyna! We cannot let her died in front of us! Kung kinakailangan naming tumakas, gagawin namin. I hope Queen Alliyah is right, she will not let someone of us might be in danger again just what they did on Kiana. Myghad, hindi ko nga nakayanan na patayin siya sa harap ko ng walang awa!

Unang sumugod ay ang mga maraming mga kawal. Mabilis na humarang sina John Phil at Louise para labanan ang mga ito. Sumunod si Margarett na sumugod at mabilis namang humarang si Hailey dito. Pumangatlo si Niah na naging kalaban ay si Ace. Ang nakangiting si Alessandra naman ang humarap sa'kin habang si Ashley naman ang sumugod sa kalmado naming Mahal na Reyna. Oh no! Sana ligtas ang lahat!

"Ikaw ang nagmamay-ari ng Aqua Crystal hindi ba?" Napalingon ako kay Alessandra na nakahalukipkip sa harapan ko. Tinaasan ko siya ng kilay. Do I have to repeat it twice? Don't ask what is obvious! Nakakabaliw 'tong kausap! Paulit-ulit! Hindi ko sinagot ang walang kwenta niyang tanong ay sa halip na sumugod papunta sa kanya.

Mabilis siyang lumipad nang tatangkain kong sipain siya sa tuhod. Lumipad narin ako pero hindi ko napansin ang paparating na sand papunta sa'kin kaya naitulak ako nito papunta sa lapag. My back hurts as hell!! "Aww!" Daing ko.

Mabilis kong binasa ang sand na ibinigay niya kaya mabilis akong bumangon. Agad akong nagpakawala ng water at inihagis iyon sa kanya mula sa itaas. Nakailag naman siya sa mga tubig at nagmukha iyong ulan na bumaba mula sa pagkakailag niya.

Muli akong lumipad at pinaulanan siya ng water balls habang mabilis siyang nag-create ng malaking sand at mabilis akong nakailag nang ibato niya iyon papunta sa akin. I quickly fly towards her at pinatalsik ang malakas na tubig. Mabilis siyang napalayo sa'kin sa lakas ng impact at habang papunta palang siya sa'kin ulit ay nagcreate ako ng sobrang lamig na tubig at ibinuhos 'yun sa kanya. Mabilis siyang natuyo at ako naman ang tumalsik mula sa sand na pinatalsik niya sa'kin. Muntikan ko ng makain 'yun ah!

Saglit akong nag-create ng malaking water at nagpakawala ng mga piranhas, mabilis naman iyong tinabunan ng sand ni Alessandra which is a wrong move. Nagpakawala ako ng malaking water ball at ipinatalsik sa kanya 'yun sunod-sunod hanggang sa mawalan siya ng balance na makalipad at napasigaw sa sakit nang mahulog.

Dahan-dahan akong bumaba at pinalutang siya gamit ang tubig. Bago pa siya muling makabangon ay nagcreate ako ng water rope at ipinulupot 'yun sa sumisigaw na si Alessandra, para hindi na siya makaatake, ikinulong ko siya sa water jail na ginawa ko. Malunod ka sana!!

Napalingon ako sa gawi nina John Phil at Louise na nagtutulungan na salakayin ang mga kawal. Sinipa ni Louise ang likod ng kawal at agad na inatake ito ng lightning. Pumunta naman siya sa kabila at kinidlatan ang lahat ng kawal na masasakal o mahahawakan niya. Habang si John Phil naman ay nagke-create ng malalaking bato at inihahagis sa mga paparating na kawal. Prinotektahan niya rin si Louise nang susugurin siya nito mula sa likod sa pamamagitan ng paggawa ng malaking bato na haharang sa kanila. At dahil malakas si John Phil, sinasapak nalang niya ang mga kawal gamit ang kamay niyang malaking bato.

Crystal High Academy Onde histórias criam vida. Descubra agora