Pantasya 38> The Sixth Glass

58 1 3
                                    

Pantasya 38> The Sixth Glass

~*-

Monica Ariel's PoV

Dahan-dahan kong kinuha ang kulay puting baril sa drawer ko.

Tinignan ko ito ng mabuti.

If I'm not mistaken, isa 'to sa naging imbensyon nina Mr. Kent to upgrade our gadgets pagdating sa pakikipaglaban. I almost forgot how to used this pero sa huli ay napagalaman ko na kung paano.

Isinukbit ko ang baril sa bandang hita ko kung saan may garter na nakaipit. Pagkatapos ay tinali ko ang buhok ko nang mala-ponytail para hindi makasagabal sa misyon namin mamaya para sa 6th Glass.

Bago ako umalis ay nakita ko si Luna na inaamoy 'yung kwintas na hugis spade. Biglang nangasim ang mukha niya at tumakbo palabas ng kwarto ko.

"Luna!!" Tawag ko sa kanya at napalingon sa kwintas. Anong meron dun?

Mabilis ko itong kinuha at dali-daling pumuntang pintuan, bago pa ako makalabas nakasalubong ko na agad si Ace na bitbit si Luna na pilit kumakawala.

"Oh, hey." Bati ko sa kanya bago abutin sa kanya si Luna at tinalian sa leeg.

"Napadaan lang ako nang makitang tumatakbo ang aso mo, mabuti nalang at nakuha ko." Paliwanag ni Ace habang napapakamot pa sa kanyang leeg.

"Thanks but I can managed. Shall we go?"

Paglingon ko sa kanya, nahuli ko siyang nakatitig sa hawak ko. Nanlalaki ang mga mata niya at parang hindi siya mapakali sa nakita. Napaatras siya ng konti.

"Anong problema mo?"

"Bakit nasayo 'yan?" Kunot-noo niyang tanong sa'kin.

Itinaas ko naman 'yung kwintas na hawak ko. "Ahh, ito ba? Nakita ko kanina after ng meeting--"

"Hindi sa'yo 'yan!" Napatigil naman ako. Kakaiba ang aura na nakikita ko kay Ace, parang kinamumuhian niya 'yung kwintas na hawak ko.

"Hindi mo naman ito sinuot hindi ba?" Nanlaki naman ang mga mata ko sa kakaibang Ace na nasa harap ko, napailing naman ako na kinahinga niya ng maluwag.

"K-Kilala mo ba kung sinong may-ari nito?" Tanong ko sa kanya.

Bigla siyang napaiwas ng tingin sa'kin.

"Kalimutan mong nakita mo ang kwintas na 'yan." Sambit niya bago niya kunin bago ako talikuran at nauna nang umalis

"Jerk." I hissed. What's wrong with him?

Muli akong napatingin sa kwintas na hawak ko. Kilala kaya ni Ace kung sinong may-ari nito?

Bakit parang ang bigat ng loob ko?

"Aw!" Napahawak ako sa braso when I bumped into someone.

"What the--" Bago pa ako makareact ay nakatalikod na ito sa'kin at mukhang papunta na ito sa direksyon ng Mahal na Reyna. May kasama itong dalawang kawal na nagbabantay sa kanya.

Hindi ko man lang nakita ang mukha at katawan nito marahil ay nababalutan ito ng malaking hood.

I can't help but to examine that person's figure. The hood looks familiar pero hindi ko lang maalala kung saan ko nakita.

"Nicnic!" I heard John Phil called my name.

Napatigil sa paglalakad ang nakahood before I turned myself to John Phil na tumatakbo papunta sa direksyon ko.

Crystal High Academy Where stories live. Discover now