Pantasya 18> Flirtatious Woman/The Fourth Glass

80 3 0
                                    

Pantasya 18> Flirtatious Woman/The Fourth Glass

~*-

Monica Ariel's PoV

"Arghhhhhhh!!!" I shouted in pain nang maramdaman kong muling sumakit ang kaliwang braso ko. Damn him!!

"Okay ka na ba, Nicnic?" Gustong-gusto kong sipain si John Phil palabas ng kwarto ko sa inis. Sasagutin ko ba 'yung obvious niyang tanong o itatanong ko sa kanya kung gaano siya katanga? Nagsisisigaw ako sa sakit simula kagabi pagkatapos tatanungin niya ako kung ayos pa ba ako?! What the hell, John Phil?!

Mukhang napansin naman niyang hindi ako sumagot kaya natahimik rin siya. Napatingin ako sa terrace at hindi ko napansin na umaga na pala. Well, walang maganda sa umaga ko.

"Go away, John Phil and eat. I don't need a bodyguard.", I sarcastically said. "Hindi mo naman ako bodyguard, Nicnic. Asawa mo kaya ko!" What the f***! Sino ba siya para sabihing ako ang asawa niya! We've never been kissed or married! Nakakainis!!! Masyado siyang assumero, he's really a jerk like Ace!!

"Nakakadiri ka, John Phil!" I wanna roll my eyes nang makita na naman siyang ngumuso. "Is that how you say I love you? Well, sasabihin ko nalang na mas nakakadiri ka to say I love you more.", Gosh! I hate how dumb he is! Nakakadiri naman talaga ang mga kinikilos niya for Peter's Sake!

"Hindi ka ba kakain kasabay ko?" Umiling naman agad ako sa tanong niya. "I don't have much appetite at mas lalo lang akong mawawalan ng gana kapag nakita ko ang may gawa sa'kin nito.", I answered at ipinakita sa kanya ang hindi makagalaw na kaliwa kong braso. Yes, I'm referring to that jerk, Ace Rutherford! Wala siyang awa! Ni sa babae pinapatulan niya!! Wala siyang puso! Peste!

"Nicnic, may kasalanan ako sa'yo.." Tinaasan ko naman ng kilay ang lalaking ito and gave him a 'What look'. Kelan pa nagconfess ang isang 'to? Well, nagconfess pala siya sa'kin noon in public. Nasa park kami nun at inamin niyang may nararamdaman siya sa'kin, he's just wearing his jersey at katatapos lang ng laro niya sa basketball. He got 2 points lang actually, tsamba niya lang 'yun. He asked me to be his girlfriend and I quickly said 'no'. Napuno ng mga 'Ohh's and 'Awww's ang buong Campus. Siya mismo ang nagwalk-out instead of me. What the heck lang di ba? Dapat ako ang magwo-walk out pero naunahan niya pa ako, sa akin tuloy nagtinginan ang mga tao. Ugh, that was awkward. But I'm pretty sure na mas nakakahiya sa damdamin niya.

Well, kahit binasted ko siya sa harap ng maraming tao, pinapansin niya parin ako tulad ng dati na parang walang nangyare, wierd isn't? Kahit madaming nangaasar ka kanya, (pertaining to how I refused him to be his girlfriend), hindi niya lang 'yun pinapansin. He's still John Phil na nakilala ko, my-used-to-be-annoying-roommate. They said, masakit para sa isang lalaki ang matanggihan lalo na sa harap ng maraming tao, pero para kay John Phil? Ghad, parang wala lang sa kanya 'yun! Ni sa mata hindi ko nakikita na nasasaktan siya tuwing tinitignan ako, parang mas lalo pa siyang nainlove sa'kin? Uhh. I'm being assumera here pero iyun ang napapansin ko. Kakaiba siya sa ibang lalaki na halos maglasing sa sobrang heartbroken. But, I still don't like him. Kahit never ko pa siyang nakitang naglasing or nanigarilyo tulad ng mga hotty guys? Never.

Bumalik ako sa sarili kong diwa at pinanood ko siyang nakayuko. "Ang totoo niyan...sinapak ko si Ace sa pisngi dahil sa ginawa niya sa'yo.", Lumiwanag naman agad ang mukha ko sa narinig ko. "Really?! Good Job, John Phil! What you did is the best for him! Hindi na siguro ko magre-revenge sa kanya." Wika ko na ikinagulat niya. Hindi niya siguro aakalain na 'yun 'yung sasabihin ko. Well, si Ace ang dahilan kung bakit ako napilay, so he deserved that treat.

Umalis na si John Phil para mag-almusal. Sakto namang dumating si Treah at tinulungan akong makakain. Nang makaalis siya ay saka naman dumating sina John Phil at Tamara. "Ayos ka na ba, Monica?" Isa pa 'to. Could you please stop asking what is obvious? I wanna roll my eyes on her pero pinigilan ko lang talaga. Patience, Monica!

Crystal High Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon