Pantasya 41> Bring her back

34 0 0
                                    

Monica Ariel's PoV

Nagsimulang uminit ang laban nang pumwesto si Ashley sa gitna at ipinasugod ang mga kakampi niya. Wala kaming nagawa kundi ang sumugod din sa kanila.

Kahit anong mangyare, babawiin ko si Rizza, babawiin ko ang kaibigan ko at ibabalik ko siya sa dati!

Matapos kong mapabagsak ang isang kawal ay bigla akong nanghina, napagod bigla ang katawan ko pero napigilan ko ang sarili kong matumba..

Kahit masakit ang ulo ko ay nagpatuloy parin ako sa paggamit ng kapangyarihan para mapabagsak ang iba pang mga kawal.

Nakita ko si Rizza na nakikipaglaban sa mga Alium Velvet. Parang pinipiga ang puso ko habang pinagmamasdan siyang pinapatay ang kapwa namin, hindi siya si Rizza, hindi ganitong klase ang kaibigan ko..hindi siya isang killer!

Mabilis akong tumakbo patungo sa kanya, sa sobrang pagmamadali ko naisipan kong lumipad bago pa niya mapatay ang inosenteng Alium Velvet.

Malapit na..malapit na!

Nagsimula nang lumabas ang tubig sa kamay ko at bago ko pa maitama 'yun sa kanya ay mabilis niya akong nakita bago bitawan ang kawawang Alium Velvet.

"Rizza--shit!" Bigla akong umilag bago pa niya ko matamaan ng kapangyarihan niya, nasubsob ang buong katawan ko sa damuhan na naging sanhi ng karagdagang sakit na naramdaman ko.

"Uggghh..." Napahiga ako ng kaunti at napapikit, para akong nauntog ng napakalakas..

Nakaramdam ako ng footsteps at pagkatingala ko'y natanaw ko na si Rizza na papalapit sa'kin.

Umatras ako habang tinatanaw siyang dahan-dahang naglalakad papunta sa'kin..

"Rizza it's me, Monica! your bestfriend! Come back to your senses!" Pangungumbinsi ko sa kanya. Agad siyang nagpalabas ng maitim na kapangyarihan subalit naunahan ko siyang magpalabas ng water shield para sa'king sarili.

Lumapit ako sa kanya at hinawakan ang dalawa niyang balikat. "RIZZA! STOP THIS NONSENSE! Binabalaan kita bago pa kita masaktan--AH!" Napasigaw ako sa sakit ng bigla siyang pumiglas at tinulak ako.

Sisipain niya na sana ako when I immediately catch her ankle and twist it. She almost cried in pain kaya mabilis ko din siyang binitawan.

"Rizza, ano bang ginawa nila sa'yo at nagkakaganyan ka?! Wake up, mapapatay mo ko sa ginagawa mo!"

Pero hindi siya nagsasalita, patuloy parin siyang gumagawa ng paraan para mapabagsak ako. Lagi akong umiiwas sa mga atake niya pero nang makapatay siya ng isang Alium Velvet, napuno na ang dugo ko.

"Damn it, Rizza! Wala na akong magagawa, kailangan na kitang pigilan sa mga binabalak mong gawin!" Sigaw ko sa kanya bago ko siya sugurin.

Dinaganan ko siya at bago pa siya makawala'y naglabas ako ng mga tubig para dumagdag ang bigat ko at hindi na siya makabangon pa. Sinampal ko siya ng pagkalakas-lakas!

"Rizza! Calm down!! Ako 'to si Monica, tignan mo ko!!" Hinawakan ko ang magkabila niyang pisngi at itinapat sa'kin. "Ako 'to si Monica, come back Rizza! Nandito na ako, matutulungan kita.."

Natigilan siya saglit at tinitigan ako ng mabuti, biglang nanumbalik ang mga mata niya sa dati bago magpanic. "M-Monica?! MONICA!!" She started crying kaya niyakap ko siya kaagad. Umalis ako sa pagkakapatong sa kanya at niyakap siya ng mahigpit.

"Monica, I missed you so much!" Naiiyak niya pang sabi habang niyayakap ako ng mahigpit. Napapikit din ako at napayuko. "I missed you more than you missed me. Please Rizza, sa susunod huwag na huwag kang susunod sa kanila. They're bad guys.." Sabi ko pa.

Crystal High Academy Where stories live. Discover now