Pantasya 11> The Crystal High History

106 4 0
                                    

Pantasya 11> The Crystal High History

~*-

Monica Ariel's PoV

Nang makapasok kami sa portal, lumabas kaming sugatan. Sinalubong kami nang nag-aalalang si Reyna Alliyah kasama ang mga High Elders.

Dali-daling pumunta sa kinatatayuan ko si Tamara kasama ang nakapamulsang si Ace. "Ayos ka lang ba, Monica?! Anong nangyare?! May gyera ba sa Mundo ninyo!?" Umiling naman ako sa sinabi niya. Wala akong gana para magsalita, masyado akong pagod para sagutin ang mga tanong niya.

Nilingon ko ang nakakunot na noong si John Phil na nakatingin sa gawi ko. Alam kong marami siyang mga tanong sa isipan niya at para mabawasan 'yun, tinanggal ko ang maskara ko na kinagulat niya.

"Nicnic?!"

Nagbulungan naman ang mga High Elders sa paligid at tinatanong kung sino si Nicnic. Dali-daling pumunta si John Phil sa harap ko at hinawakan ang magkabilang mukha ko. "Nicnic ikaw nga!! Nasaan tayo? At teka, kilala mo ba sila?" Bahagya siyang tumingin sa mga High Elders na nasa paligid.

"Ang akala ko ba nasa ibang bansa ka na? Bakit nandito ka kasama nila? At anong nangyare sa mga mata mo at bakit kulay asul na?!" Napabuntong hininga ako sa harap niya. "Idiot. Mahabang kwento. Hayaan mong sila nalang ang bahalang magpaliwanag.." Tinalikuran ko na siya at maglalakad paalis nang bigla niyang hawakan ang kamay ko kaya napalingon ako doon at sa kanya.

"Na-miss kita, nicnic.." Tumaas-baba pa ang kilay niya habang nakangiti. Napakunot ang noo ko sa sinabi niya. Seriously?! Hindi ba dapat magulat siya at magpanic kung bakit siya nandito sa Mundo daw nila? The ef?! John Phil ikaw ba 'yan!?

Well, magkaiba naman ang ugali namin, so wala akong karapatan na baguhin ang emosyon niya. Naiinis akong pumiglas sa kanya at dali-daling pumasok sa kastilyo. Nasalubong ko ang nakapamulsang si Ace na nakasandal sa pader. "Kilala mo si John Phil?" Tanong niya. Tinaasan ko siya ng kilay. "Oo. Ano namang paki mo doon?" Nagigting ang bagang niya at umiwas ng tingin. Ano bang problema nito?

"Wa-wala", Sagot niya. "Wala pala eh" Dumiretso na ako sa kwarto.

~*-

Kasalukuyan akong naghahalungkay sa kwarto ko ng mga magagandang pwedeng basahing libro. Pero wala man lang akong nakitang matino. Puro luma na at wala namang kwenta. Napaupo ako sa sahig.

*Tok* *tok* *tok*

Napalingon ako sa pintuan. I rolled my eyes. "Sorry, wala akong ganang magpapasok." Poker face kong sinabi. Muli na naman akong nakarinig ng katok. "I said--"

"Nicnic? Pwedeng pumasok?"

"No!"

"Please?"

"Ayoko nga sabi!"

"Pretty please? Cross may heart mag-uusap lang tayo!" Napakunot naman ang noo ko. "Bakit ba ang kulit mo, John Phil?" Naiirita kong tanong habang binabalik ang mga libro sa bookshelfs.

"Kasi maharot ako?" Sagot niya. Oo, maharot ka talaga! Pesteng lalaking 'to. Istorbo!

Dali-dali akong bumangon at binuksan ang pintuan. Ngumiti namang pumasok si John Phil at isinara ang pintuan. "Grabe, ang ganda ng kwarto mo, Nicnic! Sa'kin kasi, puro brown halos nakikita ko sa kwarto ko." Wika nito habang tinitignan ang bawat sulok ng kwarto ko. Mabilis naman siyang napapunta sa terrace at tinanaw ang paligid. "Alam mo, may terrace rin ako sa kwarto ko--"

Crystal High Academy Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon