Pantasya 12> The First Glass

117 2 0
                                    

Pantasya 12> The First Glass

~*-

Ashley Heartifillia's PoV

"Nakakahiya ka, Austin! Sayang lang ang pagtitiwala ko sa'yo bilang lider sa pagkuha kay John Phil! At ngayon, humihingi ka ng tawad? Sabihin mo sa akin kung paano kita patatawarin!!!" Galit na galit na sigaw ng Reyna habang masama ang tingin sa nakaluhod na si Austin.

"Pasensya na po, Mahal na Reyna. Sadyang wala kaming kwenta bilang mga High Elders ninyo--"

"Wala talaga kayong kwenta, lalo ka na! Sana pala si Ashley nalang ang ipinagkatiwala ko! Edi sana ay narito na si John Phil!" Naiinis na wika nito. Muling yumuko si Austin para sa kanyang patawad. Tinanguan ko lang siya bago siya umalis sa aming harapan.

"Mahal na Reyna, kumalma kayo.." Ang tangi ko nalang nasabi. "Mahal naming Reyna, nakakasama sa kalusugan ninyo kung hindi kayo kakalma.." Dugtong naman ni Christine. "Palpak na nga si Pia, palpak din si Austin!!" Sigaw ng Mahal na Reyna. Muli siyang umupo sa kanyang trono at napahawak sa kanyang sentido.

"Ang totoo niyan ay makukuha na namin si John Phil at maipapasok sa kaharian, subalit kinuha siya ni Kiana dahil sa kapangyarihan nito laban sa kapangyarihan ni Austin." Singgit ni Rougssey. Napatigil naman ang Reyna at nilingon siya. "Anong ibig mong sabihin?"

"Mahal kong Reyna, magnet ang kapangyarihan ni Kiana kung kaya't madali lamang sa kanya ang humila sa metal na kagaya ni Austin. Pumalag si Jasmin para makawala ito subalit umeksena lang si Monica at natunaw ang yelo. Patawarin niyo kami, Mahal na Reyna.." Wika ni Rougssey at nakiluhod narin sa kanya si Jasmin.

"Si Monica na naman? Kung gayon ay hindi pala siya basta-basta minamaliit lang.." Naiinis kong wika at bumaling sa aking Ina. Hindi ko maisip na humahalakhak lang siya sa sitwasyong ito. "Gusto kong patayin ninyo ang epal na si Kiana sa buhay natin, sinong gustong maghiganti sa kanya?" Nagtaas naman ng kamay si Avick. "Bakit hindi nalang ako, Mahal kong Reyna?" Nakangiting wika nito.

"Isabay mo ang pagpatay sa kanya sa paghanap ng glass piece of The Magical Crystal sa doktor na nagngangalang si Arnaldo. Magsipaghanda na kayo.." Utos nito at nagsilabasan naman ang lahat. Natira lamang ay si Austin at kasabay niya rin sina Jasmin at Rougssey na kasalukuyan na nakaluhod.

"Bigyan niyo pa ako ng isang pagkakataon, Mahal na Reyna. Sisiguraduhin kong mapapatay ko si Kiana bilang paghiganti at pagtulong kay Mae, ayokong ihantulad niyo lamang ako sa walang kwentang si Pia.." Wika ni Austin. Nagisip naman saglit ang Reyna bago sumagot. "Sige, pagbibigyan kita sa huli mong hiling. Kapag pumalpak ka pa ulit, hinding-hindi na kita mapapatawad. Makakaalis na kayong tatlo.." Tuwang-tuwa naman sila bago lumabas ng palasyo.

"Mauuna narin ako, Mahal na Reyna.", Tumango naman si Ina bago ako sumunod sa tatlo.

Pagkalabas ko, naroon sina Avick Mae, Niah at Victoria. Sila ang tatlo kong generals, at malaki ang tiwala ko sa kanilang tatlo, dahil pangatlo sila sa malalakas na High Elder na nakilala ko.

"Hindi ko aakalaing pagkakatiwalaan na naman muli ako ng Reyna upang maghiganti.", Wika ni Mae at humalakhak. "Dahil hindi mo kailanman siya binigo, Mae." Sagot ko sa kanya. Tumango naman siya ng bahagya. "At kahit kelan ay hindi ko kailanman siya bibiguin.." Dugtong pa nito.

"Ang ipinagtataka ko lang, bakit hindi ka man lang pinasusugod ng Reyna sa Mundo ng mga Tao?" Tanong ni Victoria. "Dahil oras na bigyan ako ng misyon ni Ina, paniguradong magagawa ko kaagad iyon ng walang tulong ninuman.." Pagmamayabang ko.

"Ikaw parin pala si Ashley, ang aming kaibigan.." Sabi ni Victoria at ngumiti sa harap ko.

"Hindi ako kailanman magbabago, pwera na lamang kung pagtataksilan ninyo ang prinsesang katulad ko.", Pagbabanta ko. "Huwag kang mag-alala, Ashley. Hindi kami ahas na basta-basta nalang makikipagkaibigan sa'yo.", Singgit naman ni Niah. Nginitian ko naman siya ng matamis. "Ganyan ang gusto ko sa isang kaibigan, hindi traydor, at lalo nang hindi ahas.." Sarkastiko kong tugon bago kami tuluyang lumabas ng palasyo.

Crystal High Academy Where stories live. Discover now