Pantasya 14> The Second Glass

84 5 0
                                    

Pantasya 14> The Second Glass

~*-

Ashley Heartifillia's PoV

"Unang laban, umpisahan niyo na.", Wika ng Reyna at nag-bow naman si Austin (Metal) at si Victoria Ellena (Flirt) sa isa't-isa.

Naglabas ng itim na usok si Austin sa mga kamay niya, habang pink na likido naman ang kay Victoria Ellena. Mabilis na nagbato si Victoria ng mga pinky red power pero agad itong nailagan ni Austin at nagbato rin ng itim na usok. Tumambling si Victoria at inayos ang nakalugay niyang buhok. Muli siyang nakailag sa ibinato ni Austin. Si Victoria naman ang nagbato pero nagform ng metal si Austin kaya nakapag-defense siya. Pagkaalis ng metal, Lumuhod si Victoria kay Austin at sinadyang ipinakita ang kanyang cleavage.

Napangiti naman ang dalaga nang matulala si Austin dito kaya agad na umikot-ikot si Victoria at ibinato sa kanya ang pinky red power. Natamaan si Austin sa puso at napaluhod nalang ng bahagya sa dalaga. Itinaas ni Victoria ang kanyang kaliwang kamay at mabilis naman itong hinalikan ni Austin. He lost.

"Si Victoria ang nanalo sa unang laban.", Wika ko. Nagsasanay kaming lahat para maging handa sa lahat ng mga laban. At dahil Flirt ang kapangyarihan ni Victoria, mas madali niyang nauto si Austin lalo na at lalaki ito.

"Susunod, maghanda..simulan na.", Utos naman ng Reyna at nagsimulang maghanda si Christine (glamouring) at Alessandra (sand manipulation).

Unang sumugod si Alessandra. Dali-dali niyang inilabas ang sandstorm at agad na ipinatama ito kay Christine. Bigla na lamang siyang natakpan nang malaking sand at ang akala namin ay natalo na siya pero bigla siyang bumangon at nagbigay ng dark liquid kay Alessandra kaya mabilis niyang nailagan ito.

Muling sumugod si Alessandra at nagpatama ng sunod-sunod na sand at umilag naman si Christine at iniharang ang lamesang kinuha niya. Ibinato niya iyon kay Alessandra pero tumalon si Alessandra kaya nailagan niya ito. Bigla na lamang ginaya ni Christine ang itsura ng Mahal na Reyna at lumapit kay Alessandra.

"Itigil mo na ito, Alessandra.", Wika ni Christine na nagpanggap bilang Reyna. Napayuko naman si Alessandra at walang kamalay-malay na niloloko lamang siya ni Christine. Dali-daling naglabas ng dark liquid si Christine at ipinatama iyon kay Alessandra at napahiga ito sa sahig.

"Si Christine ang nanalo sa pangalawang laban.", Sabi ko at nginitian lamang kami ni Christine bago siya bumalik sa kanyang anyo.

"Susunod para sa ikatlong laban.", Utos nang Reyna at pumwesto naman si Jasmin (Ice of God) at si Xavier (Elasticity).

Unang sumugod si Jasmin at nagpakawala ng sunod-sunod na Ice crystals pero mabilis namang nagbend si Xaiver upang iwasan ito. Pagkatapos ay si Xaiver naman ang nagpakawala ng mga makakapal na goma at ibinato iyon kay Jasmin. Mabilis na nagform ng Ice Shield ang dalaga kaya hindi siya natamaan.

Mabilis na tumakbo si Xaiver at muling nagpakawala ng makakapal na goma. Sinubukang umilag ni Jasmin ngunit mabilis siyang natamaan sa kaliwang braso at sa kanang pisngi. Ngumiti nang bahagya si Xaiver samantalang inis namang tinignan siya ni Jasmin bago magpatuloy.

Si Jasmin naman ay nagpakawala ng malaking Ice at ibinato iyon kay Xaiver. Dali-daling yumuko ang binata at muntikan nang matamaan ng malaking yelo. Pagkalingon niya kay Jasmin, mabilis siyang ikinulong ng dalaga sa isang Ice Jail at mabilis na tinusok ang binata mula sa loob.

"Si Jasmin ang nanalo sa ikatlong laban.", Wika ko at napatigil na ang dalawa. "Ika-apat na laban, magsimula na.", Utos nang Reyna at pumwesto naman sina Nasha (Enchantress) at si Syra (Telepathy) sa harapan niya.

Crystal High Academy Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora