The Beginning

2.1K 44 16
                                    

Third Person

"Kumusta ka?" Tanong ng hari sa kaniyang asawa na nakahiga.

Kakapanganak lamang nito at kitang-kita ang pagod sa kaniyang mga mata.

"Masaya ako't naisilang ko sila ng walang problema." Ngiti ng reyna sa hari at sinilip ang kaniyang mga anak.

"Nasaan si Minerva?" Hanap niya sa kaniyang pinagkakatiwalaang kaibigan at ang kumadronang tumulong sa kaniya sa pagpapanganak.

"Lumabas muna siya matapos niyang linisin ang mga bata." Tumango naman ito sa narinig. Gusto niyang yakapin ang kaniyang mga anak, ngunit natatakot siya na baka mabitawan niya lamang ito dahil sa kapaguran niya.

"Gusto ko silang makita." Anito.

Tumango lamang ang hari at lumapit sa mga kuna na hinihigaan ng kaniyang mga anak.

Una niyang kinarga ang naunang naisilang. Namana ng sanggol ang asul na kulay ng mga mata ng isang nilalalang na nagtataglay ng kapangyarihang kalmado at binubuo ng diwa.

"Ito ang panganay natin." Ngiti niya habang ipinakita sa kaniyang asawa ang kanilang anak. "Ano ang ipapangalan mo sa kaniya."

"Raine. Ang asul niyang mata ay kasing asul ng karagatan, ang anyo kung saan nagmumula ang ulan."

Napansin nilang ngumiti ito kaya pati ang kanilang mga labi ay nakurba rin sa isang ngiti, "Mukhang nagustuhan niya ang kaniyang pangalan."

"Lalaking mabuting panganay si Raine." Kumento ng hari habang tinitigan ang kaniyang anak.

Ibinalik niya ang kaniyang anak sa kuna at ang pangalawa naman ang kaniyang kinarga.

Ang mata ng sanggol ay kasing pula ng nagniningas na apoy, katulad ng mga mata ng isang nilalang na nagtataglay nang nakapabagsik at nakapadelikadong kapangyarihan.

"Magkakambal sila pero bakit mas nalalapit ang mukha ng pangalawa natin sayo?" Biro ng reyna kahit kitang-kita naman na fraternal ang magkakambal.

"Bakit parang insulto 'yon?" Kunot noo niya rito.

"Hindi naman." Ngiti ng reyna sa hari, ngunit sinadya niya talagang biruin ang kaniyang asawa ng ganon.

"Naisip ko, Aithne ang ipapangalan natin sa kaniya, pangalang sumisimbolo sa nagbabagang apoy."

"Hmm, isang makisig na pangalan sa isang munting mandirigma. Magiging malakas siya kapag siya ay lumaki, pinatunayan ito ng kanyang elemento. Sana lang ay hindi siya lalaking kasing suplado mo."

"Ayan ka nanaman."

Mahina lang itong napatawa habang pinagmasdan ang asawang binalik si Aithne sa kaniyang kuna at ang pangatlo naman ang pinakilala sa kaniya.

"Tingnan mo ang kaniyang mga paa at kamay, napakalikot." Natatawang saad ng hari at sunod pinagmasdan ang kulay kayumangging mga mata ng kaniyang anak.

"Nakikita ko na kung anong klaseng pagkatao ang huhubog sa kaniya." Masiyang ngiti niya sa kaniyang anak.

"Caprice." Dagdag nito, "Pangalang sumisibolo ng pagiging kakatwa. Bagay lamang sa munting mangungutya na ito."

"Alam ko na ang magiging reaksyon niya kapag malaman niya ang ibig sabihin ng kaniyang pangalan." Mahinang napatawa ang dalawa.

"Caprice, wag kang maging pasaway sa mga kapatid mo ah." Turan ng hari sa kaniyang anak kahit na hindi pa naman ito nakakaintindi.

"Ang bunso." Ngiti ng reyna nang makita ang kaniyang bunsong anak.

"Napakagandang kulay abo ang kaniyang mata." Kumento ng reyna nang dumilat ang sanggol.

Mystic Academy: The Four Elements | ✓Where stories live. Discover now