The Truth

353 20 6
                                    

Third Person

Calista was passing through the halls where they hanged the royal family portraits. It started from the very first kings and queens of the realm up until the present.

She stood in front of the portrait of her family, back when she was a princess and her parents were the king and queen.

Masaya sila, tila ba walang problema sa mga ngiting pinapakita nila. Nakaupo sa isang trono ang kaniyang ina at nasa tabi nito ang kaniyang ama na nakatayo at nakahawak ang kanang kamay sa balikat ng kaniyang asawa.

Sa kanang bahagi ng upuan nakatayo ang isang batang Calista, pormal ang kaniyang postura ngunit naipapakita sa kaniyang ngiti ang kasiyahan ng isang bata. Sa kaliwa naman, sa unahang bahagi ng kaniyang ama, nakatayo ang isang batang lalaki, may ngiti rin sa kaniyang labi, tila masaya at walang ibang halong kakaibang damdamin.

"Masaya naman tayo noon. Bakit kinailangang umabot sa ganito?" Mahinang bulong niya habang hinaplos ang pigura ng batang lalaki.

Magkaibang-magkaiba sila kung ipagtabi. Si Calista ay may kulay ginto na buhok na namana niya sa kaniyang ama, habang ang lalaki naman ay may buhok na kasing itim ng uwak na namana niya sa kaniyang ina.

Ngunit kahit na magkaiba ito, ang isang bagay na sumisimbolo sa kanilang relasyon ay ang kanailang mga mata na kulay ginto.

Naturang ginto ang mga mata ng lahat ng tagapangmana ng trono. Isa lang dapat sana sa kanila ang magkakaroon ng gintong mata upang matukoy kung sino ang susunod na mamumuno, ngunit iba ang nangyari sa inaasahan. 

Pero kahit na may ganoong hidwaan, hindi iyon naging problema para sa magkakapatid.

"Hindi ka dapat sumang-ayon sa gusto nina ama." Wika ng mas nakakatanda sa magkakapatid na biglang pumasok sa silid ni Calista.

Hindi na niya kinailangan pang tanungin kung ano ang ibig sabihin nito, "Wala rin naman akong ibang pagpipilian." Sagot niya sa kapatid na ngayon ay nakakunot ang noo.

"Dapat hindi mo bitawan ang karapatan mong pumili para sa iyong sarili, Calista." Malumanay na tugon nito sa kapatid, "Isang malaking desisyon ang pagpapakasal. Bata pa lang tayo, baka pagsisisihan mo lang kapag pumayag kang maipakasal sa taong ni hindi mo man lang kilala." Nag-aalala ito sa kaniyang kapatid dahil ang kaisa-isang nais lamang nito bilang mas nakakatanda ay ang kaniyang kasiyahan.

"Alam ko naman iyon kuya, pero hindi rin naman ako pinapayagang makalabas. Paano ako makakakilala ng taong mamahalin ko kung hindi rin naman ako mabibigyan ng pagkakaktaon upang makipagsalamuha sa ibang tao?" Anito at pasalampak na dumapa sa kaniyang higaan, "Ito na lang ang magagawa ko para sa pamilya natin dahil ikaw rin naman tagapagmana ng trono."

"Ayoko lang na isipin mong kinokontrol nina ama ang buhay mo. Gusto kong maging masaya ka sa piling ng iyong mamahalin pagdating ng panahon, hindi yung parang sinasakal ka sa obligasyon." Bumangon si Calista para umupo at tinapik ang kaniyang tabi upang umupo rin doon ang kaniyang kapatid. 

Sumunod naman ito at tsaka siya niyakap ni Calista ng patagilid, "Hangga't nasa tabi lang kita masaya naman ako." Ngiti nito, "Ikaw at ako..."

"...Laban sa buong mundo." Dugtong ng huli.

Hindi namalayan ni Calista ang luhang tumulo sa kaniyang mga mata nang maalala iyon.

"Kahit na sumuko na ako, lumaban ka para sa'kin. Tinupad ko ang hiling mo, kuya, kaya eto na ako ngayon, masaya sa piling ng asawang mahal ko." Pinunasan niya ang luhang tumutulo sa kaniyang  mga mata, "Ngunit sa huli ay ikaw lang din ang wawasak sa aking puso, kuya. Ang sabi mo nasa tabi lang kita palagi, na kapag may problema ako ay takbuhan lang kita at maaayos na ang lahat, pero bakit ganito? Bakit sinira mo ang pangako mo?"

Mystic Academy: The Four Elements | ✓Where stories live. Discover now