Games

282 22 2
                                    

THANK YOU FOR 7K READS!🥺🥳

•••

Caprice Terra Falcon

"Is no one gonna stop her?" Pang ilang tanong na 'to ni Aria at pang-ilang iling na rin ang sinagot namin ni ate Raine.

"Kakabugbog ko lang niyan kanina." Kumento ko, pero hindi naman ako nagrereklamo. "Serves him right, though."

"He could die." I couldn't tell if she was worried or just stating a fact.

"I could care less."

"She already killed everyone else." Napatingin ako ulit sa mga sunog na bangkay sa mga selda. 

Wala naman talaga akong pakialam kung mamamatay ba sila o hindi. We were not raised as murderers but it's a different story when you mess with our family.

Dapat nga noon palang ay pinatay na sila at hindi na hinayaang manatili kahit dito sa dungeon man lang. Pero dahil utos ni Dad at ni Aithne, wala na kaming ibang nagawa.

They said that they could gather intel from them kaya hindi nila ito pinapatay. Pero kahit ilan pa ang nadakip namin, hanggang ngayon wala paring nagyayari. Siguro napagtanto ni Aithne na walang patutunguhan ang pagpapanatili sa kanila dito kaya niya ito ginagawa ngayon.

"Ano kayang nangyari, bakit galit na galit siya?" Tanong ko sa kanila.

She stormed in here fuming mad, burning almost every dark enchanter we ever captured. She saved the one who stabbed her for the last, and she's torturing him right now.

"Well, he did stab her, for one." Banggit ni Aria.

"At matapos marinig ang tungkol kay Jace, inexpect ko na ring magalit talaga siya." Dugtong ni ate Raine.

She's a softie for that kid. Curious pa rin ako kung paano iyon nagsimula pero alam ko namang hindi pa ito ang tamang oras para dun. Magk-kwento naman siya kung handa na siyang pag-usapan ang topic na 'yun.

"I'll ask you again. Who are you contacting?" Kanina niya pa 'yan tinatanong sa kanila, pero tinatawanan lang siya, kaya ayun, sunog.

"Papagalitan kaya siya ni Dad?" Tanong ni ate Raine.

"She's Aithne. She knows her ways out of arguments." 

"Tangina." Nalukot ang mukha ko nang may naamoy akong mabaho. 

Putek ang baho ng mga bangkay! Ang baho naman kasi ng mga kaluluwa kaya, ayan!

"Never mess with me, and my family. Ever." Anak ng pucha! Nangilabot ako sa tono ng pananalita niya. Hindi naman ako ang sinabihan niya nun ah? Bakit natakot ako? Walangya!

"Ah, so fierce, so strong. But let's see how long that'll last when he will make his move." Kahit dumudugo na ang bibig niya, nakangisi pa rin siyang sumagot kay Aithne.

"He will not have the chance." She showed no mercy towards the bastard. She summoned a fire dagger and slit his throat before burning his body.

Wala na, ang baho na ng dungeon. Ako 'yung naaawa sa maglilinis nito.

"Chill ka na?" Tanong ko sa kaniya nang lumabas ito at humarap samin.

Mystic Academy: The Four Elements | ✓Where stories live. Discover now