In Progress

365 25 2
                                    

Raine Aqualine Falcon

"You done? We--aray! Ba't ka nambabatok?"

"'Wag mo nga siya isturbuhin."

"Kailangan kong malaman kung gumana ba o hindi."

"Malalaman mo kapag tapos na. Nakita mo bang natapos na siya?"

"Malay ko ba kung gaano katagal."

"It takes time, idiot. Marami-rami rin ang hahanapin niya dahil ngayon niyo pa naisipang baguhin ang memorya niyan." Nilapitan kasi kami nina Daze at Zion kanina, at sinabing kailangan nila ang tulong ko para ibahin ang memorya 'nung lalaking tinawag ni kuya Kaeden para mag-scan sa katawan ng estudyante, at bilang chismosa na kapatid, sumama si Caprice.

She is right though. Hahanapin ko pa ang memory lane niya na nakakonekta sa pangyayari ng araw na iyon bago ko mapalitan. Mataas-taas na rin ang linya ng memorya niya dahil ilang araw na mula nung nangyari ang insidenteng iyon.

"Pinag-iisipan pa namin ng maigi dahil mga novice pa kayo. But Vale reasoned out that she was the only one with the ability to do it, kaya in the end, napunta parin sa desisyon na lumaput na inyo." Vale? Bakit niya sila kinumbinsi?

"Why do you even have to alter his memory? It's his right as a student to know what's happening in the campus." Tanong ni Aria na nandito rin. Si Aithne lang ang wala kasi bumalik siya sa palace reliquary. May importante daw siyang babalikan na libro 'dun.

"Not in this situation. It's too risky." Wika naman ni Daze.

"And what about the other students within the crowd, will you take away their memories too?" Nanatili ang mata ni Daze kay Aria, hindi niya ata masagot ang tanong.

"What about us? We're here because you asked for our sister's help. Now we know what you're trying to take away from that guy, are you going to tell our sister to take that away from us too?" Aria, wala tayo sa posisyon na mag reklamo kasi ginawa rin natin ito sa kanila ng wala silang kaalam-alam.

"In exchange for your help, we trust that you won't disclose this information to anyone."

"So how long does it really take?" Zion broke the silence, "Mi--puta! Nakakadalawa ka na ah!"

"Don't you dare cuss at me. Kapag sinabing 'it takes time', IT TAKES TIME!"

"Parang napatanong lang eh." Sabi nito habang nakakamot sa parte kung saan siya binatukan ni Caprice.

"Eh sinabihan ka na kanina. Paulit-ulit lang? Ganon?" Bakit ba ang ikli ng pasensya nito?

"Caprice. Palagi mo siyang sinusuway na hindi ako distubuin pero sa ginagawa mo, nadidisturbo pa rin ako." Kapag talaga pinagsama ang dalawang 'to, walang katapusang bangayan. Ang sakit sa tainga.

"Sorry. Ikaw kasi eh!"

"Ba't ako?"

"Manahimik nga kayo!" Suway ni Daze.

"It's done." Iniwan na namin ang lalaki na mahimbing na natutulog sa clinic.

"Aalis na kami. Salamat sa tulong." Tumango si Daze bago niya hinila si Zion na hanggang ngayon ay masama pa rin ang tingin kay Caprice, at binelatan naman ito ng kapatid ko.

"Caprice, be careful on how you treat Zion Reed. Napag-usapan namin 'to ni ate Aithne, and we both noticed how the other students are wondering why you get to treat him that way. By law, you are not allowed to treat the head of house-a prince, as an equal." Aria stated, at tama rin naman siya. Oo nga't pareho lang kami ng estado sa buhay, pero hindi ito alam ng ibang tao at mas delikado ito para samin.

Mystic Academy: The Four Elements | ✓Where stories live. Discover now